Napatayo ako ng 'di oras nang hindi ko na kinaya pa ang ingay ng buong klase.

"Hoy Nomer! Umalis ka na nga dyan sa harapan! Pasimuno ka sa pag-iingay dyan eh,naririndi na 'ko! Hinaharangan mo pa 'yung blackboard, di ko tuloy makita yung sinusulat ko! Layas dyan!"

bulyaw ko kay Nomer.

Napakamot siya sa ulo at bumaba na sa lamesa. Tumingin ako sa likod.

"Hoy Jepoy! Kung makikipaglandian ka lang lumabas ka na! Ako nasusuka ako sa mga pinagsasa-sabi mo sa mga 'yan eh! 'Don kayo sa Luneta!"

Tumingin naman ako sa side ko.

"Ikaw naman Redkert, kung hindi ka magsusulat manahimik ka na lang! Putak ka ng putak dyan! At yang katabi mong 'yan, pakigising nga! Sabihin mo kung hindi pa 'yan titigil ng kakahilik tsitsinelasin ko na bibig niyan!" pagbabanta ko.

"Huy Adrian pare,gising na daw? Bahala ka, masakit ma-tsinelas sa bibig."

Hinihila niya lang 'yung patilya ni Adrian.

"Ano ba! Natutulog 'yung gwapo eh!" bwisit na reklamo ni Adrian tapos nagpatuloy ulit siya sa pagtulog.

Aba gwapo huh! Teka nga!

Kinuha ko 'yung walang tinta kong ballpen at ibinato ko sa ulo ni Adrian

*Tooook!* Sapul!

   

Automatic na dumilat ang mga mata ni Adrian na parang bangkay na nabuhay tapos tumayo siya na para bang handa ng manuntok.

"Paksyet naman oh! Sinong sira-ulong bumato sa ulo ko!" siga niyang tanong sa klase na may pagbabanta sa tono niya.

"Ako 'yung sira-ulong bumato sa ulo mo! Bakit? May problema ba?" matapang na sagot ko.

Napakamot siya sa ulo.

"Ah, nagtatanong lang.Hahaha." biglang bait ng tono niya.

Maya-maya lang ay nagsilaban na lahat ng teacher sa Principal's Office. Kita kasi dito sa third floor ang office.

"Andyan na si Mam Advincula! Paakyat na! Paakyat na." sigaw ng taga-abang kong kaklase sa paakyat na mga teacher.

Parang mga naambunang langgam naman ang mga kaklase ko nang marinig nila ang sigaw na 'yun.Halos magkabungguan silang lahat sa pagmamadali para lang makabalik sila sa kani-kanilang mga upuan.

"Good Morning Mrs.Advincula." parang mga mababait at magagalang na bata na greet naming lahat sa aming adviser teacher.

   

"Bago ko idiscuss sa inyo ang aming napag-meet-ingan kanina, gusto ko munang sabihin sa inyo na meron kayong magiging bagong classmate." pormal na saad ng guro namin.

When Lesbian Meets the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon