Chapter Nine: Act of Torment

Magsimula sa umpisa
                                    

Natutulog ng mahimbing sila Elwell, Irish, Lads at Lean. Hindi nila namalayan na may paparating na kalaban. Pagdilat ni Elwell ay nakatutok na ang malaking hook sa leeg nya.

ELWELL: Sino kayo?!!!

Nagising ang mga kasama ni Elwell dahil sa lakas ng boses neto. Hinawakan silang lahat ng mahigpit at may isang nagsalita.

FOE 1: Dalhin na mga yan.

Hindi sila makawala sa mahigpit na paghawak sa kanila ng malalaking nilalang na iyon.

IRISH: Sino kayo?!! Saan nyo kami dadalhin?!

FOE 2: Tumahimik ka kung ayaw mong tahiin ko yang bunganga mo!

IRISH: Tch! Hindi ako natatakot sayo!!

LEAN: Irish, tama na. Baka ano pa gawin satin ng mga yan.

IRISH: Nakakapikon na mga to ee. Tinatanong ng matino tapos di marunong sumagot ng ayos!!

FOE 2: Ginagalit mo talaga ako!!

Susuntukin na sana nito buong mukha ni Irish pero pinigilan sya ng kasama nya.

FOE 1: Wag. Ang utos lang satin ay dalhin sila sa kamahalan. 

ELWELL: Kamahalan? Who the hell is that?

FOE 1: Dalhin nyo na yan sa mansion.

Nakita nila Rendell at Paul ang nangyayari.

PAUL: Kailangan natin silang iligtas!

RENDELL: Sandali lang! Lima sila at malalaki pa. Hindi natin sila kaya.

PAUL: Ano titingin lang tayo?

RENDELL: Yun lang magagawa natin sa ngayon. Dahil kapag nakita nila tayo at nahuli, malabo ng makakagawa pa tayo ng paraan para matalo sila.

Sumang-ayon nalang rin si Paul. Tinali ang mga kamay at paa nila at Dinala sila ng mga alagad ni Mercy sa mansion. At pagdating doon.. nakita nila sila Jeff, Mercy at Chinee na nakaupo sa kani-kanilang trono.

CHINEE: Andito na pala mga bisita natin. *evil smile*

IRISH: Walang hiya ka Chinee!! Traydor ka!!!

CHINEE: Thank you for the sweet compliment my dear friend. :) 

ELWELL: Anong gagawin nyo samin?!

MERCY: Ihanda ang mga bihag!

Binuhat sila ng pabaliktad at dinala sa isang malaking kwarto. Kinadena ang mga ito at iniwan.

LADS: Anong gagawin nila satin?! 

LEAN: /umiiyak/ Natatakot na ako. 

IRISH: Sila Rendell at Paul kaya. Baka pinaghahanap na nila tayo.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sila Jeff, Chinee at Mercy.

JEFF: Gawin mo na ang gusto mong gawin sa kanila Chinee.

CHINEE: Thank you mama, papa. :) 

MERCY: Para sayo anak. :) 

Lumabas din sila Mercy at Jeff. May hawak hawak si Chinee na latigo.

CHINEE: Kamusta kayo?

ELWELL: Pakawalan mo kami dito Chinee!!

CHINEE: Inuutusan mo ko Elwell?

LADS: Maawa ka samin Chinee.

LEAN: Magkaibigan tayo di ba?

IRISH: Wala tayong kaibigan na demonyo.

CHINEE: Ang init naman ng ulo mo Irish. 

Nilatigo ng nilatigo ni Chinee si Irish. Napasigaw si Irish sa saket.

IRISH: AHHHH!! 

Sugat sugat ang mga hita ni Irish.

ELWELL: Itigil mo na yan Chinee!!!

CHINEE: Kanina mo pa ako inuutusan Elwell. Napupuno na ako sayo.

Si Elwell naman ang nilatigo ni Chinee. Nagpapakatatag si Elwell kahit sugat sugat na katawan nito.

CHINEE: Hindi pa ako tapos sa inyo. At kayong dalwa /tingin kay Lads at Lean/ Kayo na ang susunod.

Kumuha ito sa lamesa ng mga uod at pinakain kay Lads.

CHINEE: Buksan mo bunganga mo!

LADS:/umiiyak/ Ayoko Chinee..

CHINEE: Sinabi ng buksan mo ee!! Kundi papatayin na kita!!

Binuksan ni Lads ang bunganga nya at pinasok ni Chinee ang mga buhay na uod sa bunganga ni Lads. Tuloy tuloy ang pag-iyak ni Lads.

CHINEE: Nguyain mo!! 

Hinawakan ni Chinee ang buhok ni Lads at sinabunutan ito.

CHINEE: Kainin mong lahat yan!!

Iyak ng iyak si Lads. At sunod naman si Lean. May hawak si Chinee na cutter at hiniwa ang balat ni Lean at itinahi ito gamit ang nylon para dumikit ulit.

LEAN: Tama na Chinee!!! AHHH!!

CHINEE: Haha! Gustong gusto kong nakikita kayong nagdurusa!

Napuno ng dugo ang katawan ni Lean pero hindi sya pinatay ni Chinee. Tinawag na si Chinee ng isang alagad.

FOE 1: Kakain na raw kayo sabi ng kamahalan. 

CHINEE: Okay. /harap sa apat/ Babalikan ko kayo. At wag na kayong umasa na buhay pa ang iba nyong kasama. 

Umalis ito at naiwang ang apat sa malaking kwarto na nakatayo at nakakadena ang kamay.

LADS: Hindi ko na kaya!

IRISH: Wag tayong mawalan ng pag-asa. Malakas ang paniniwala kong buhay pa sila Vince.

ELWELL: I'm sorry guys.

LEAN: Para saan Elwell?

ELWELL: H-hindi ko kayo naprotektahan. /yuko/ Naging pabaya ako.

IRISH: Hindi mo kailangang isisi lahat sa sarili mo. Sa mga panahong to, hindi nakakatulong ang pagsisi sa sarili. 

ELWELL: Hmm. Tama ka.

IRISH: Ipagdasal nalang natin ang kaligtasan nating lahat.

-End of Chapter Nine..





The Death TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon