Chapter 3.2 (Revised)

Start from the beginning
                                    

"Ano ba yan? Nakakahiya! Nakatingin din pala siya." Halos gusto na ni Gail batukan ang sarili niya sa nangyaring kahihiyan.

"Hindi na talaga ako nasanay sa mga ganung tingin." Pagmamayabang naman ni Yohan sa sarili.

Samanatala ay pumunta na sina Yohan at Mr Yuh sa tabing dagat dahil doon nila naisipan na makapag-usap. Habang naglalakad sila sa may tabing-dagat ay nag-open na agad ng topic si Yohan.

"Uncle? Sure ka ba na isang taon ka talaga mawawala?"

"Kailangan eh, saka kailangan ko talagang umalis para makakuha ng mga bagong tips sa pagbubukas ng magandang negosyo, at tsaka malay mo may mabago sa buhay ko diba?" Ngiting sagot ni Mr. Yuh. Napangiti din si Yohan.

"Ang ibig niyo po bang sabihin ay ang magkaroon ng asawa?"

"Oo. Kaya nga malay mo diba? Pag punta ko ng Guam eh nandun na pala ang destiny ko."

Nagkatawanan sila sa sinagot ni Mr. Yuh.

"Destiny? Naniniwala kayo dun?" Tanong ni Yohan.

"Bakit hindi? Eh, ngayon lang naman ako maniniwala ah. Saka wala naman sigurong masama?"

Natawa ulit si Yohan saka nagbato ng maliit na bato sa dagat.

"Patawa ka talaga uncle. Pero seriously, I doubt to believe destiny." Sagot naman ni Yohan.

"Eh hindi ka naman talaga maniniwala no! Pa'no, playboy ka kasi." Parang teenager na pang-aasar ni Mr Yuh. Natawa din tuloy sa kanya si Yohan.

"Uncle, hindi ko kasalanan na pinanganak akong gwapo." Seryosong sagot niya na mas lalong nagpatawa kay Mr Yuh.

"Mayabang ah! Pero kung sabagay ang lakas nga talaga ng dating mo. Teka! maiba nga ako. May girlfriend ka ba ngayon?" Tanong nito.

Biglang naging seryoso ang mukha ni Yohan at hindi na nakaimik. 

"Huwag mong sabihing sakin na wala, ikaw pa na hindi nauubusan ng mga babae?" Pang-aasar ulit nito.

Tinawanan lang iyon ni Yohan. Oo nga at may pagka-babaero siya pero meron naman siyang sineryosong isang babae na nagpatino sa kanya noong college sila. At talagang minahal niya ito ng totoo.

"Uncle, may isang girl na dumating sa buhay ko na di ko akalaing masasaktan din ako ng sobra nung malaman kung niloko niya ako. Sabi nga ni Jiru baka daw nagantihan lang ako ng tadhana." Seryosong pagkakasabi ni Yohan.

Si Jiru ang best friend ni Yohan. Kasa-kasama niya ito mula high-school to college at magpahanggang ngayon ay para pa rin silang tulad ng dati.

"Kaya ba hindi ka naniniwala sa salitang destiny?" Tanong ulit ni Mr. Yuh.

"Uncle, noon pa man ay hindi na ako naniniwala sa destiny." Sagot naman ni Yohan.

"Pero, mahal mo pa din ba siya?"

Matagal bago nakasagot si Yohan.

"Yes. I will always love her."

 ~~~

 

REVISED & EDITED!

Always is Enough [Editing & Revising]Where stories live. Discover now