Chapter 16
COMPLICATIONS.
-___________ -
Kalat na sa buong school na nagde-“DATE” kami ni Chord.
Simula ng pumunta kami sa perya, araw-araw niya na akong hatid-sundo. Tapos, sabay kami lagi sa lunch.
Gabi-gabi din kaming magkausap sa phone. Nag-aasaran lang kami.
Lagi lang kaming tumatawa out of nothing. Basta natatawa lang kami.
DATING nga ba ang status namin?
Tingin niyo?
Hehe.
Sabay nga pala kaming kumakain ngayon, lunch na eh.
Nakalimutan ko bang sabihin na ang gwapo niya lang naman?
At kung babalik kayo sa umpisa, sinabi ni Rhia na siya ang hottest guy ngayon dito sa Leighmee.
“Karee.”
“Oh?”
“May dumi ka sa mukha.”
“Huh? Saan?”
Hinawak-hawakan ko naman yung bibig ko pero wala naman akong makapa.
“Hindi diyan!”
“Eh saan nga?”
Naiinis na tuloy ako.
“Hindi kasi diyan, dito.”
Sabi ni Chord tapos bigla niyang pinunasan ng forefinger niya yung tip ng ilong ko.
>///////<
“Yes naman!!!!”
“Yieee!!!”
“Yun oh!”
Parang hindi namin sila napapansin. Nagkatitigan kami tapos biglang iniwas namin yung mga mata namin sa isa’t isa.
<_< >_>
Tapos nagtawanan yung mga barkada namin, kasi sabay-sabay kaming nag-lunch eh.
Magkatabi pa kami ni Chord.
Tss. Ang awkward no? Haha.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpapaliwanag sa inyo ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko.
>/////<
SI CHORD.
Napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sakin.
Dire-diretso lang siyang kumain.
“Chord, ba’t di mo gamitin yung dalawa mong kamay sa pagkain?”
Eh pano naman niya gagawin yun Akrei? Eh hawak niya kamay ko?
Gusto ko sanang sabihin. Hahaha.
“Wala ka na dun.”
SNOB. Hahaha! Taray naman ni Chord ko.
Op. ano daw?
Chord KO?
ERASE.
Eh teka, ano nga ba kami?
KAMI ba?
Ano nga ba kami?
Meron bang kami?
Nalungkot ako bigla nung na-realize ko yun.
Inalis ko bigla yung kamay niya sa kamay ko tapos sabi ko punta lang akong CR.
Nagulat si Chord pero hinayaan niya lang ako.
Lakad. Lakad.
Ang sakit pala ng pakiramdam na hindi mo alam kung san talaga yung lugar mo.
Ang hirap naman mag-assume di ba?
Baka, pag nagtanong ako sa kanya, sabihin na naman niya, ginamit niya lang ako.
Ayoko na nun. Kaya, tama.
I-eenjoy ko na lang kung anong meron kami.
“Karee.”
Paglingon ko nakita ko si Kristoff.
“Bakit?”
“Can I talk to you?”
Wow. Bago to ah? In-approach niya ako?
“What happened to my arrogant ex-boyfirend? Where is he? Huh, Kristoff?”
“Karee. Please.”
Lumalapit siya sa’kin.
“Don’t dare.”
“Gusto ko lang linawin ang lahat. Kaya please naman.”
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa.”
“Meron. Tungkol ‘to sa’tin. At gusto kong malaman mong hindi ko mahal si Kria.”
Hindi ako makapagsalita.
“Meet me sa lagoon. Sa dati nating place. Mamayang uwian. I’ll be waiting babe.”
Umalis na siya pero naiwan ako doon.
After all? Ano bang nangyayari?
Pumunta na ako sa table namin ulit pro napansin ata nilang wala ako sa sarili.
“Okay ka lang ba?”
Hindi. Ikaw ba magiging okay kung kelan nakaka-getover ka na tsaka naman babalik si Ex?
Pero eto na lang nasabi ko kay Chord.
“Oo naman! Bakit? Haha”
Parang timang lang yung tawa ko, basag eh. Tsk.
“Sigurado ka ba?”
“Oo nga.”
“Per—“
Nag-ring na yung bell. Sakto, ligtas ako sa interrogation ni Chord.
Nagmadali na kong lumakad.
Nag-Cr pa kasi si Rhia eh. Kainis.
Pupunta ba ako o hindi?
A/N: LOL. Ang ikli no? Nga pala. VOTE naman. Tapos comment. Haha!
may WB kasi ako, kaya hindi ko malaman, tapos pinoproblema ko pa yung dalwa kong stories. Hay. :'|
Haha! Basta. VOTE and COMMENT ah?
anything. Wag lang super violent na pag-cocomment. :)
PROMOTE ulit. Yung A MOMENT TO LAST, pakibasa din po! :)
