"Siya na ba?" sabi ni Jessy kay Mary habang nakatitig sa isang lalaking nakaupo at may hawak na saklay sa malayong banda.
"Yes. Siya na nga."
May tumulo na lamang na luha sa mga mata ni Jessy. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa sakit ng nararamdaman niya. Ang lalaking minamahal niya ngayon na akala niyang patay na ay makikita niya muli ngunit iba na ang pamilyang kinagigisnan, na may asawa na at anak.
"Tara na..." sabi ni Jess habang papasok na sa kotse.
"Pero, jess.." pagpipigil sakanya ni Mary.
"Kailangan na nating umuwi."
"Hahayaan mo nalang ba yun? Teka, Jess! Ilang taon kayo? Ilang taon niyong binuo yung kayo? Diba nga nagpangakuan pa kayong magkakasama habang buhay, na ikakasal kayo?!"
"SABIHIN MO SAKIN, MARY! PAANO KO MAAYOS ANG LAHAT?! KUNG YUNG TAONG MAHAL KO NA AKALA KONG PATAY NA AY NAKIKITA KO NGAYON MAY IBANG PAMILYA?! SABIHIN MO SA AKIN, MAY KAILANGAN PA BA AKONG IPAGLABAN?"
"Jess, ikaw ang mahal niya. Nawala lang alaala niya pero di ka mabubura sa puso niya."
"Hindi ko na alam, hindi ko na alam ang gagawin ko.."
Niyakap na lamang ni Mary si Jess dahil sa sobra nitong paghagugol at pagiyak. Inalalayan na lamang niya ito at pinagbuksan ng pinto ng kotse at nagpasyang uuwi na.
-\-
Nakatulala lang si Vince sa malayo. Hawak-hawak niya ang kanyang saklay habang siya ay nakaupo. May kung ano man ang gumugulo sakanyang isipan pero hindi niya ito maintindihan.
"Daddy! Daddy!!" sigaw nang kanyang anak na si Jen na papalapit sakanya at niyakap siya.
"Oh? Anak." sabay niyakap ito ni Vince at kinarga.
"Ay nako yang anak mo, gustong-gusto nang umuwi dahil manonood pa daw kayo ng disney cartoons." sabi ni Isabel sabay ngiti sa asawa at niyakap si Vince.
Si Isabel ay isang napakagandang babae, isa siyang Doctor. At naging Doctor siya ni Vince matapos ang matinding trahedyang nangyari. Nawalan siya ng alaala, nabiyak ang mukha nito dahil sa tumamang basag na salamin mula sa car accident nito kaya't kinailangan niyang magpaplastic surgery. Nabago man ang mukha nito, ngunit ito pa din ang taong pinaghulugan ng kanyang loob. Pero di masabi ni Isabel ang lahat dito, dahil ayaw niya itong mawala sakanya. Alam niyang di ganon kagwapo ang kanyang asawa dahil sa may lamat pa ito sakanyang mukha, na di tulad ng mga nanliligaw sakanya pero ito lamang ang nag-iisang taong rumespeto sakanya at nagmahal ng totoo. Mahal na mahal ni Isabel si Vince. Lagi siyang pinasasaya nito sa bawat pag-awit nito sakanya. Laging sinasabi ni Vince sakanya kung gaano siya kaganda. Lahat na nga ata na kay Vince na.
"Hahaha. Eto talagang anak ko. Halika nga!" binuhat ni Vince si Jen at hinalik-halikan sa leeg at kiniliti-kiliti na para bang naglalaro sila.
"HAHAHAHA. Dada! Tama na po! Dada!!" sigaw ni Jen kay Vince na halos di na makahinga sa kakatawa.
"HAHAHAHAHA! Tara na sa loob. Kayo talagang mag-ama! Sobrang lamig na oh! Jen, nak, Bihis na muna tayo, tas watch na kayo ni Dada, okay?"
"Sige na nak, pasok kana. Magpabihis ka muna kay Mama. Mamaya na muna si Dada papasok..." pakikisimpatya ni Vince kay Isabel sabay hinalikan niya sa noo ang anak niyang si Jen.
"Sige po, Dada!!" hinalikan ni Jen sa pisngi ang kanyang ama sabay ngiti.
"Why, dii? Come inside now. It's cold there. I'll open the heater inside. Baka magkasakit ka dyan."
"Sandali lang to. Kahit wag mo nang iopen yung heater, andyan ka naman e." ngiti ni Vince.
"HAHAHAHA. Ikaw talaga! Alright then. Mamaya ha?" *sexy voice* sabay halik sa asawa.
Nanatili si Vince sa labas, maya't maya may napansin siyang nakatingin sakanya. Tumingin siya sa kung saan-saan. Bumilis ang tibok ng puso niya. At biglang humangin, di niya maintindihan kung anong nararamdaman niya. Iniling niya ang kanyang ulo at huminga siya ng malalim.
"Wala lang to. Nalalamigan na siguro ako." kaya't nagpasya na siyang pumasok.
YOU ARE READING
Come back to me
Romance"They said, love is everywhere. Love is always there. But where are you now? You left us, you left us broken. What am I going to do without you, love? Help me to ease this pain. Help me to overcome all of these. Help me." *crying* A story that will...
