"Psst. Takutin niyo si Sensei." Glenn

" ihhhh ! Wag na lang... Angcute-cute ni Sensei ngayon tapos tatakutin niyo lang !" Dex

*boink*

" ouch !" Sabay hawak niya sa parteng binatukan

" ikaw Dex ha, tigil-tigilan mo yang kakapantasya sa kanya. Alalahanin mong kalaban natin siya." Glenn

Parehong mga ewan

" Hoy Ivan ! Ang sabi ko magfocus ka sa target hindi sa akin !" Sigaw ni Sensei

" what !? Ikaw nga kasi target ko sensei." Malanding sagot ni Ivan kaya tinutukan siya ng baril ni Sensei. Itinaas niya naman ang dalawang kamay bilang pagsuko

" George, ikaw na." Glenn

" ha? Bat ako? Si Dex na lang." George

" ayoko nga ! Ayokong matakot ang sensei ko. Hmmmp" parang batang sagot ni Dex. Tsk malala na to

Biglang lumingon sa akin si Glenn

" what? You know I can't hold a gun." Iritang sabi ko

" sige na Lex,ngayon lang naman eh." Pamimilit niya

" tsk ! Ayoko. Bahala kayo diyan." Tumayo ako at akmang aalis na ng biglang tinawag ako ni Sensei


" Lexter Alvarez come here"

Ayoko sanang lumapit pero bigla akong binulungan ni Glenn.

" Lex,takutin mo lang ha. Go !" Excited na bulong niya sa akin

*sigh*

Naglakad ako papunta kay Sensei at ibinigay niya sa akin ang isang baril at mga gear for protection.
Kinuha ko ito kahit na nag-aalangan.

Kahit nanginginig ay pinilit kong Itutok ang baril sa target na 6 meters away lang mula dito.


*bang*


Malayo


"Focus" bulong sa akin ni Sensei


" tsk, I'm trying" iritang sagot ko


*bang*


Aish ! Bat ayaw matamaan !


" aim for your target. Wag diretso ang pagtutok. Ibend mo ng kaunti ang siko."


Ginawa ko naman ang sinabi niya at muling tumingin sa target.

Hindi ko alam ang nangyayari sa akin pero nakikita ko ang mukha ng kapatid ko sa target ko ngayon.

No, hanah ! Umalis ka diyan please.

Pilit kong igalaw ang hintuturo ko para kalabitin ang gatilyo ng baril pero hindi ko talaga kaya.



" just foc--"


" I CAN'T ! " sigaw ko sa kanya


" just try to shoot again. Focus on your target." Pilit niya sa akin



" I said I can't ! Will you please shut up !? Hindi ka ba nakakaintindi? Ha!?" Sigaw ko ulit


Sa bawat pagputok ko ng baril ay yun din ang pagbalik ng sandaling kasama ko ang kapatid ko. Naaalala ko lang ulit ang pagkakamaling nagawa ko.


Naglakad na ako para umalis pero laking gulat ko ng maramdaman ko ang isang balang dumaan sa gilid ng ulo ko at tumama sa pader sa likod.
Nagulat kaming lahat sa nangyari. Gulat akong tumingin sa may pakana at kita ko ang seryosong mukha ni sensei.

Bad-ass TeacherOnde histórias criam vida. Descubra agora