Chapter 1

208 19 2
                                    

Nag mamadaling sinalubong ang papadating na si Clarise mula sa corridor ng paaralan, “Clarise Sarmiento! Natalo mo nanaman ang mga dayo! Ang galing galing mo talaga! Kaya hanggang hanga na talaga sayo ang lahat!”

“ Salamat Theresa, mahusay kasi ang mga itinuro sa akin at suporta ninyo, at para ito sa paaralan natin.” Ngiting sagot ni Clarise sa kanyang matalik na kaibigan.

Isang Math Competition ang naganap, at tulad ng inaasahan ay si Clarise nanaman ang nag wagi. Bukod sa parangal, lahat ng makakasalubong kay Clarise ay binabati siya, tila ba siya isang artista na tinitilian dahil nanalo siya.

          Masaya si Clarise, nakakapag uwi lagi siya ng karangalan sa kanyang pamilya na wala ng ginawa kundi purihin siya at ipag malaki sa lahat. Para sa kaniyang pamilya isang napakalaking biyaya ang pag kakaroon ng anak na katulad niya, ang anumang iuwi ni Clarise para sa kanila ay lagi nilang pinag papasalamatan sa Diyos. Sapat na sa kanyang pamilya kung ano ang tinatamasa ng kanilang butihing anak.

Si Clarise ay di lang matalino, may ankin din siyang natural na ganda, na hindi na kailangan ng anumang kolerete upang mapansin ang gandang taglay, mahusay mag dala ng damit, simple, laging malinis at mabangong tignan. Ngunit wala pading nag kakamaling lumapit sa kanya ni isang binata na nabibihag ng kanyang mga katangian. Matapos ng break up nila ni Steve ay di na siya muli nag ka nobyo. Mas pinili ni Clarise na makipag kalas kay Steve sapagkat hindi niya nararamdaman mula rito na mahal siya nito, bagkus ginagamit lang ang kasikatan ng dalaga upang sumikat din ito. Noong una ay di pumayag si Steve na makipag hiwalay sa kanya si Clarise, pero gumawa ito ng hakbang upang hindi mapalayo sa dalaga, sinalihan niya ang mga grupo na humahanga kay Clarise, ang layunin ng grupong ito ay suportahan si Clarise sa mga laban nito. Nagawang makipag mabutihan ni Steve sa bawat myembro ng grupo. Dahil na nga rin sa impluwensiya, napalawak pa ni Steve ang mga grupo, at kahit sa ibang iskuwelahan may mga humahanga na din sa dalaga, namistulang fans club ni Clarise ang mga nasabing grupo. Nagagamit ni Steve ang impluwensiya niya upang mabantayan si Clarise at di hinhayaan may lumapit rito na manliligaw. Binu-bully ng sariling grupo ni Steve ang sinumang lumalapit sa dalaga na walan nakakaalam kung sino. Tinangka ni Clarise na pigilan ang ginagawa ni Steve na pang bu-bully sa mga kaklase nilang mga lalake na nag tatangkang manligaw sa kanya, ngunit di din niya ito napigil. Sadya ang katigasan ng ulo ni Steve. At pinapalabas ni Steve na pinag tatangol lamang niya si Clarise. Lalong gumaganda ang papel ni Steve sa mga mata ng sinuman, kahit alam na ng lahat na hindi na sila. Mas pinili na lang ni Clarise ang manahimik at siya na lang mismo ang umiwas sa binata, kahit paminsan minsan sinasadya talaga ni Steve na mag papansin sa kanya.

          Ito ang madalas niyang iniisip, patuloy ang pag hawak ng binata sa kanyang leeg kahit na hindi na sila. Mahal niya ito ngunit di niya gustong pamahalaan siya nito. Para saan pa ang utak na meron siya kung pamamahalaan siya ng isang lalake. Mas pinipili niyang mag reject ng manliligaw sa kanya kesa mapahamak pa sa mga kabaliwan ni Steve. Madami at matataas ang mga pangarap niya na di malayong matupad niya kapag siya ay nkatapos na. At sisiguraduhin niyang matutupad niya ang mga iyon kaya patuloy ang pag susumikap niyang makapag tapos.

“Anu ba iniisip mo?” ang pag basag ni Theresa sa katahimikan ng kasama.

“Wala. Ganito lang naman ako diba?”

“Ay naku Clarise, yes ganyan ka nga. Kilala na kita dahil mag best friend tayo simula pa nung nag kakilala tayo nung first day class dito no?”

“Oo nga no Tere?” Mag sasalita pa sana si Theresa ng makitang humawak si Steve sa balikat ng kaibigan.

“Hi, Sweety?”

“Steve please..”   Matabang na inalis ang kamay ng dating nobyo.

“ Sweety, ano ka ba naman? Ginagawa naman natin to dati ah?”

Do I Need to Love? (Finished story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon