"Hindi kita bibitiwan."

Napansin niya naman ang nanunuksong tingin at ngiti ng pinsan ni Text mula sa rearview mirror.

Sa mukha ng Mateo na 'to halatang chickboy 'tong lalaking 'to. Ngayon lang din siya nakakita ng tall, dark and chinito in person na mukhang model kahit sa simpleng ripped maong pants at puting kamisa de chino na damit. Inferness naman at bumagay ang kulay nito sa mukha nito. Mukhang pinagpala din talaga ang pamilya ni Text.

"Ayiee," basag ng pinsan ni Text.

"Ewan ko sayo."

Gamit ang isang kamay mas binaba pa niya ang visor ng cap para matakpan na ang kalahati ng mukha niya. Kahit asar hindi niya parin mapigilan ang mapangiti. Langya talaga ang 'sang 'to. Dakilang hokage na pa inosente.



TANGHALI na nang makarating sila sa mismong bayan ni Text. Nagulat pa siya nang marami ang sumalubong sa kanila sa labasan. Typical na rural ang mismong lugar. Kapansin-pansin ang simpleng pamumuhay ng mga tao. Nanibago siya ng husto. Expected niya naman na ganito ang maabutan niya pero hindi niya inakalang maninibago siya ng husto. Halos tango na nga lang ang naibibigay niya sa mga tao.

Pero belib din siya kay Text. Hindi talaga nito binibitiwan ang kamay niya. Kahit papaano nawawala ang pagka-ilang niya. Habang naglalakad patungo sa bahay nila Text ay may kasabay silang mga kakilala na ni Text. Inatake rin siya ng hiya kanina. Narinig niya kasing nag-uusap ang dalawang matanda na kasama rin nila ngayon patungkol doon sa pagpa-pari ni Text.

Hindi man niya lubos na naintindihan ang sinasabi nila sapat na sa kanya na pinag-uusapan ng dalawa ang paglabas ni Text sa seminaryo at sa hindi pagtuloy nito sa pagpapari. Hindi niya naman maiwasang makaramdam ng matinding guilt. Kung tutuosin pwede niya naman talagang pilitin si Text na kalimutan na lang ang lahat. Pakiramdam niya kasi ngayon para siyang kontribida. Para bang sinira niya ang dapat buhay ni Text.

"Undong, maayo og nakauli ka na dinhe."

"Naa ra koy asikasuhon dinhe Manang. Dala na pud bakasyon."

"Tinuod ba nga dili na jud ka mag-pari, undong?" tanong ng matanda nung kanina. Hindi maiwasang maiyuko ni Danah ang noo. "Kasayang naman lang adto, undong oy. Hapit naman unta ka mahuman."

"Ok lang po 'yon, Nay Delma. Lahat po ng mga nangyayari sa atin ay kagustuhan ng Diyos. Marahil minsan hindi natin maintindihan ang mga desisyon Niya pero dapat matuto tayong tanggapin ang mga 'yon."

"Pero sayang talaga 'yon, undong. Ikaw na sana ang unang pari dito sa atin."

"Huwag na po natin 'yong alalahanin Nay. Saka 'di naman ako mawawala sa simbahan at sa Panginoon. Pwede ko naman Siyang pagsilbihan sa maraming bagay. Kahit tayo, gumawa lang ho tayo ng mabubuting bagay at pagsumikapan na matulugan ang mga nangangailangan, ipagdasal sila at isipin ang nakabubuti para sa lahat ay malaking bagay na ho 'yon sa Panginoon."

Lalo lang tuloy na guilty si Danah sa mga naririnig niya kay Text. Para talaga siyang pari kung magsalita. Nakakakonsensiya!

"Sige ho, magpapahinga na muna kami ng asawa ko." Naingat ni Danah ang mukha kay Text. Nagulat siya sa sinabi nito. Pasimpleng kinindatan siya nito. "Pakisabi na lang ho kay Father Semon na dadaanan ko siya mamaya."

"Sige, undong."

Inakbayan siya ni Text at pinihit papasok sa loob ng lumang gate na sa tingin niya bahay nila Text.

"Asawa?" basag niya.

"Hayaan mo na 'yon. Huwag ka ng mag-reklamo. Kapag sinabi ko na girlfriend kita baka ilayo ka pa nila saken." Ngumiti ito.

SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Место, где живут истории. Откройте их для себя