[Note:] Eto pong short story na 'to ay naka-base sa isang story na dahil ito ay isang FAN-FICTION LAMANG. Para maka-relate ka, basahin mo ang original story entitled ' Adventures of Princess Sara: The Malanding Prinsesa' by @Kokonatye. To read his story, just click the external link on the side :) -MARIJO♥
***
Bago ang ko simulan ang kwento na ito, gusto kong batiin ang poging-pogi na si Kuya EJ! *kaway-kaway* Hello kuya, sana magustuhan mo 'tong kagagahan ko ^___^
Isang taon na ang nakalipas nang maibalik muli ang masiglang bayan ng Glanora. Masaya ang mga nasasakupan ni Haring Bogart at Reyna Ellena dahil sa wakas, nagbalik ang tunay na hari. Sa kabilang dako naman, ang malanding prinsesa na si Prinsesa Sara at ang kanyang kabiyak na si Prinsipe Adonis ay masaya na ring nabubuhay.
Teka nga, bakit pa may ganito kung masaya na silang lahat? Diba nga 'they lived happily ever after' na? Naguguluhan na ako dito ah!
Pikachu: Wag ka nalang magreklamo! Fan-fiction nga diba? Nag-iisip ka ba o sadyang naka-drugs ka lang?
Woah, chill ka lang naman dyan Pikachu. Baka gusto mong ibalik kita sa Poke-mo! I mean Pokemon ball mo. Sorry mali.
Pikachu: Magkukwento ka o tanggal ka sa cast? Bahala ka, mamaya di ka magustuhan ni author, baka di ka bigyan ng break. Siya pa naman ang boss dito.
Author: Hoy hoy! Ano ba't nadadamay ang pangalan ko dito?!
Pikachu: Wala po Kuya EJ, epal yung narrator eh. Oh game na, magkwento ka ulit. Quiet nalang kami dito.
Eto na nga magku-kwento na eh. So ayun. Malanding nagsusuklay si Prinsesa Sara at nakatingin sa malaki niyang salamin. Iniisip ng prinsesa kung paano niya sasabihin kay Prinsipe Adonis ang gusto niyang sabihin. Ano nga ba yung gusto niyang sabihin?
Prinsesa Sara: Ehem ehem... Mahal ko? Hihihihi (malanding tono) Kailan mo ba balak mag... (kagat labi) HONEYMOON?
Kapitan John P.: HONEYMOON!? Teka lang mahal na prinsesa, nag-talik na kayo ni Prinsipe Adonis?!
Singit ni John P. na bigla na lamang pumasok sa loob ng kwarto ng prinsesa. Si John P. ay isa sa mga tagapamahala sa kaharian. Nainis naman ang prinsesa sa biglang pagdating ni John P.
"Bakit nandito kang kabute ka? Atsaka wala kang pakialam kung nagtalik na kami ng prinsipe dahil may K kami!" sigaw ng prinsesa.
"Pasensya na mahal na prinsesa, hindi na po mauulit. Narito ako dahil hinahanap kayo ng Mahal na Haring Bogart prinsesa" wika ni John P.
"Busy ako, makakaalis ka na" mataray na sagot ng prinsesa.
Agad naman lumabas si John P. at naiwan na naman si Prinsesa Sara sa kanyang silid. Tulad ng sinabi niya kay John P. busy ang prinsesa sa pagaayos ng sarili.
Sa kabilang dako naman...
Kawal 1: Oy nasaan na yung mga alien na umubos ng saging ko?!
Kawal 2: Aba malay ko! Mukha ba kong hanapan ng nawawala!?
Kawal 1: Di ka nga hanapan ng nawawala pero kamukha mo naman yung nawawalang alien. Dyan ka nga!
Paalis na dapat ang kawal nang bigla silang may makasalubong na Sugatang lalaki. Naghinala ang mga kawal kaya pinalibutan nila ito.
Kawal: Sino ka? At ano ang iyong pakay dito?
Lalaki: Hindi ako sinuka ng nanay ko at iniri lang. Nais kong makausap ang Mahal na Hari.
Kawal: Hindi ka maaaring pumasok kung wala kang pass.
YOU ARE READING
Adventures of Sara FAN-FICTION
FanfictionGusto mo bang tumawa ng tumawa? Edi tawa! Feel free to laugh dahil buhay mo naman yan eh. Text mo nalang ako pag kailangan ko nang tumawag sa mental ha? :D
