[3] MEET MY WOMAN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hi!" Malugod na kinamayan ni Alex ang bawat isa. Magaan agad ang loob niya kina Marlon at Lovelle ngunit pagdating kay Jason nahagip agad siya ng hangin ng kaangasan nito.

"Damn now I understand why Blake is such a good boy. He got one hell of a beauty here. Lucky you bro!" Umapir ito kay Blake. May hitsura sana kaso nag-uumapaw ang self confidence at kayabangan. Kinamayan siya nito na may kasamang panakaw na haplos sa kanyang palad.

Napansin niya si Debbie. Asiwa ang mga ngiti at halatang nagdadalawang-isip na makipagkamay sa kanya. "Hi Debbie!" bati niya at siya na rin ang kusang nag-abot ng kamay. Kinalimutan na lamang niya ang nangyari sa condo.

"H-Hi Alex," napapalunok na tugon nito.

Magkatabi silang naupo ni Blake. Kaharap niya si Jason at ang katabi nitong si Debbie. Katabi naman ni Blake si Marlon at sa dulo ng mesa nakaupo si Lovelle.

"Dahan-dahan sa pag-inom, magmamaneho ka," bulong niya kay Blake.

" Yes ma'am," ngingiti-ngiting sagot sa kanya ng lalaki.

"Lahat ba ng mga ito marurunong magtagalog?" pagklaro niya.

"Yeah."

"Buti naman," hinga niya nang maluwag.

"So how long have you been together?" biglang tanong ni Jason nang mapansing tapos na ang kanilang pagbubulungan.

"Almost two years," maiksing sagot ni Blake.

"How did you guys meet?" usisa ulit ng lalaki.

Napatingin si Alex sa boyfriend. Nagtatanong ang mga mata kung dapat ba nilang sabihin ang totoong kuwento nang kanilang pagtatagpo.

"Alex and I meet in UP," kaswal na saad ni Blake.

"Ah you mean. You were classmates," ani Marlon.

"Sort of," tatawa-tawang sagot ni Blake.

Lumalim ang kuwentuhan ng magkakaibagan habang tahimik lamang na umiinom at nakikinig si Alex. Tungkol sa eskuwela ang pinag-uusapan ng mga ito. Sapagkat di gaanong nakakarelate sa mga kuwentuhan sa mesa, inaliw niya na lamang ang mga mata sa pagmamasid sa paligid. Para lamang siyang nasa isang mamahaling club sa Makati. Ang tipo ng club na madalas nilang i-raid dahil sa mga kabataang talamak sa paggamit ng ecstasy. Sobrang liberated ang lugar . May mga nagsisexy dance na halos isang tulak na lang ay magtatalik na ang mga ito. May mga pailan-ilan ding naghahalikan na tila walang mga tao sa paligid nila. Bagamat wild ang karamihan sa mga naroroon ngunit walang hitsurang menor de edad.

Natigilan siya sa pagmamasid nang may maramdamang paang tumatama sa kanyang binti. Napatingin siya kay Blake subalit abala ito sa pakikipagkuwentuhan sa katabi. Hanggang sa naramdaman niyang humahaplos na ng marahan ang paa papaakyat sa kanyang tuhod. Tiningnan niya si Jason. Nakatitig at palihim na ngumingisi sa kanya. Kanina niya pa nahuhuli ang malalanding mga ngiti at tingin nito ngunit hindi niya pinapansin. Pinili niyang huwag itong intindihin dahil ayaw niya ng gulo. Palihim na iniwas niya na lamang mga binti.

Tumayo si Blake. Nagpaalam ito para pumuntang comfort room. Pagkaalis ng nobyo ay agad siyang kinausap ni Jason.

"How long have you been here in New Jersey?"

"3 days," tipid na sagot niya.

"And how long have you been this hot?"

Siniko ni Debbie ang lalaki. "Jason you're being rude."

"Okay lang Debbie," nagtitimpi ngunit nakangiting sagot ni Alex.

"Hi Jason!" istorbo sa kanila ng isang amerikanang medyo namumungay na ang mga mata sa alak. Umakbay it okay Jason.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon