Hindi niya kailangan maging kasingtalino ni Albert Einstein para hulaan kung paano sila sinira ni Mari. Inutusan nito ang kaibigan para akitin si Diego habang may hindi pagkakaunawaan na nangyayari sa pagitan nila ng lalaki. Natatandaan niya na bago ang araw na pumunta siya sa unit ng kasintahan, nakausap niya ang kanyang mama at nasabi niya dito na may problema sila. Sigurado siyang umabot iyon sa kaalaman ni Mari at sinamantala ang pagkakataon na makahanap ng paraan para maghiwalay sila. At iyon ay ang gamitin ang kaibigan nito.

"Gusto mong marinig ang totoo, ha? Sige, tama ka!"

Nagtagis ang bagang ni Kim sa narinig. "So, inaamin mo na?"

"Bingi ka ba?" Sarkastikong tumawa si Mari, may poot sa mga mata. "Oo, ako nga ang nagplano noon. Ginamit ko si Verna para akitin si Diego noon at nagtagumpay naman ang kaibigan ko, hindi ba? Sabi nga ni Verna, buong gabi siyang tinikman ni Diego. Kita mo? Ang bilis ka niyang naipagpalit noon, di ba?"

 Tears pooled in her eyes. Tanggap na niyang may ibang nakasiping ang binata noon. It was just s-x. Pero ang marinig iyon sa kapatid ay parang lason na unti-unting pumapatay sa sistema niya.

"Why? Ganoon ka ba ka-desperado na masira kami, ha? Kapatid kita, Mari. Paano mo---"

"Kapatid? Yes, half-sisters tayo.. Pero kailanman, hindi kita itinuring na kapatid, Kim. Eh, si Mama nga halos hindi ka rin niya kilalanin na anak, di ba?" Nag-uuyam ang ngiti nito at lumapit ang mukha sa mukha niya. "Alam mo kung bakit? Because you're an unwanted child. Ni hindi ka nga niya ginustong lumabas noon. Dahil sa 'yo, nasira ang pangarap niyang maging beauty queen. She could have been a Miss Universe if she didn't have you! Pero kasalanan mo kung bakit hindi at huwag kang magtaka kung bakit kahit kailan, hindi ka niya minahal. You're a product of one night stand.. One. F*cking. Night. Stand."

 Umagos ang luha sa pisngi ni Kim. Para siyang sinasaksak ng mga salita ng kapatid. Isang masakit na katotohanan. Yes, she knows that. Mari don't need to remind her that her mother never cared for her. 

 Ngunit nang sandaling iyon ay sobra-sobrang sakit ang nararamdaman niya. At awa sa sarili. Tama naman si Mari. Hindi siya kailanman pinahalagahan ng kanyang ina. Para dito, si Mari lang ang mahalaga..

 Si Mari lang ang anak nito.

"You don't deserve Diego. Inagaw mo lang siya sa akin! Ako ang muse ng team nila nang makilala ka niya. Kung hindi mo lang siya nilandi, napansin sana niya ako! Ako sana 'yong naging girlfriend niya!"Nag-angat siya ng tingin at matalim na tumingin kay Mari. Wala ang sweetness ng aura nito. Nakikita niya ang isang bitter, insecure at desperadang babae sa mukha ng kapatid. She couldn't control her anger anymore..

"Diego don't even deserve you. Bitch!" mariing wika niya at sinampal ito sa pisngi.

"Kim!"

 Mula sa kung saan ay biglang sumulpot ang kaniyang ina. Humahangos na lumapit ito at inilayo si Mari sa kanya. Parang batang nagsusumbong na umiyak ito at yumakap sa kanyang ina. Puno ng galit na tumingin sa kanya ang kanilang ina na si Berly.

"Anong ginagawa mo dito sa bahay at bakit mo sinasaktan ang kapatid mo?!"

"Bakit hindi n'yo itanong kay Mari kung anong ginagawa niya?"

"Wala akong ginagawa sa 'yo! Ikaw itong sumugod sa bahay ko at pinagbibintangan mo pa akong sumira sa relasyon n'yo ni Diego!"

 Namilog ang mata ng kanyang ina. "Bakit mo binibintang kay Mari ang tungkol sa paghihiwalay n'yo ni Diego? Don't blame my daughter kung nagkasira kayo. It's not her entire fault! Nagkasira kayong dalawa dahil may pagkukulang ka sa kanya noon. Dahil hindi mo siya bigyan ng anak at patuloy ka pa rin sa paggamit ng pills. Hindi kasalanan ni Mari kung nagkasira kayo!"

Marahas ng bumuga ng hangin si Kim. Halos naririnig niya ang pagpintig ng mga ugat niya sa katawan.

"Really? Okay." pilit na pinakalma niya ang boses. Kahit ano pa ang sabihin niya, alam niya sa bandang huli si Mari pa rin ang papaniwalaan nito. Kahit pa duguin siya sa pagpapaliwanag at pagsasabi ng katotohanan, hindi mangyayari na papanig ito sa kanya.

Si Mari lang ang pakikinggan nito... The only daughter in her mother's eyes. May pait na ngumiti siya kay Berly. "Sana naririnig mo rin ang sinasabi mo."

"E-Excuse me?"

"Mula noon hanggang ngayon, ako ang sinisisi mo kung bakit hindi ka naging beauty queen. Ako ang parating itinuturong kasalanan kung bakit hindi ka na makapag-compete sa pageants.. Pero Mama, let me tell you this. Hindi ko kasalanan na ipinagbuntis mo ako. Wala namang rap3 na nangyari, hindi ba? You willingly opened your legs and let my father f*cked you without a condom. Kasalanan ko ba kung ginusto mo rin naman?"

Lumipad ang kamay nito sa kanyang pisngi. Ramdam niya ang pagmarka ng palad nito sa kanang pisngi niya. Inaasahan na niya iyon. Pero ang sakit na idinulot niyon sa puso niya ay walang kapantay.

"Pati talaga si Mama, hindi mo na iginalang!" sigaw ni Mari at itinulak siya. "Get out! Get out of my house! Wala kang lugar dito, get out!" Hindi ito pinigilan ng kanyang ina kahit na marahas na ang ginagawang pagtulak sa kanya ng kapatid.

 Again, she was right. Damn bakit ba nya pinagsisiksikan ang sarili niya?

 Wala siyang lugar sa buhay ng mga ito. Kahit kailan ay wala siyang naging lugar sa buhay ng mga ito. Padabog na pinagsarhan siya ni Mari ng pinto. Malayang umagos ang mga luha niya. Pumipintig sa sakit ang dibdib niya. It hurts like hell. F*ck.

Nanghihina ang mga tuhod na naglakad siya palayo. Nanlalabo ang paningin niya dahil sa mga luha. Nakakailang hakbang na siya nang bumangga siya sa isang matigas na katawan...

In Bed With My Ex (R-18)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα