Bakit ba natin nakikilala ang isang tao na nagpapatibok ng puso natin pero hindi naman pala para satin?
Tagahilom ba sila ng sakit na nararamdaman o tagadagdag ng sakit na mararamdaman? Ang pagibig hindi dapat laging pinaglalaban. Dapat alam mo kung kailan ka susuko at kung kailan mo dapat ipaglaban.
Paano mo ipaglalaban ang isang tao, kung sya na mismo ang sumuko? Kung alam mong sa umpisa pa lang talo kana? At kung ipaglaban mo man, marami lang masasaktan.
Ano bang mas tamang gawin? Ang makasama sya pero alam mong mali? O ang iwanan mo sya dahil alam mong tama?
Sa pagibig hindi puro puso lang ang ginagamit, hindi puro sariling kaligayahan lang ang inaalala. Dapat gamitin din ang isip, at isipin kung ano ang tama at nararapat.
May mga bagay din naman minsan, na hindi pwedeng ipagpilitan kahit gustuhin mo man.
Minsan nga, kahit mahal mo pa ang isang tao, nagagawa mong pakawalan dahil yun ang nararapat.
Mahirap magpaalam oo sobrang hirap magpaalam sa taong mahal mo, sa taong pinangarap mong makasama habang buhay at sa taong nkasama mong bumuo ng mga pangarap.
Masakit man ang paghihiwalay, wag kang magsisi na naging bahagi ka ng buhay nya, isipin mo na naging masaya ka kahit sa sandaling panahon na nakasama mo sya.
Kung talagang kayo sa isa't isa, mawala man sya ng matagal, magkikita pa rin kayo, Alam mo kung kailan?
Pag TAMA na ang MALI
at
Kapag PWEDE na ang HINDI
:)
