#1

17 0 0
                                        

Naging bingi sa boses ng ibang tao.
Na kahit patuloy sila sa pag-sigaw,ikaw lang naririnig ko.
Naging bulag sa mga maling gawa mo.
Na natuto akong pumikit kahit laging agrabyado.
Nalunod sa matatamis na salita mo.
Na ni hindi sumagi sa isip na beterano ka na dito.

HULI NA
Huli ng mapagtanto kong tama sila.
Huli na ng marinig ko ang pagsigaw nilang "tama na."
Huli na ng buksan ko ang mga mata ko at makitang
mapanlinlang ka.
Huli na ng makaahon ako at maramdamang masakit pala.

Buong buo ka,ako wasak na wasak.
Masayang masaya ka,ako mangiyak-ngiyak.
Pero hindi,heto ako.Tatayo ako.
Tatayo ako at lalakad palayo sayo.
Kasabay ng paglakad ko ang pagpulot sa mga piraso ng
pagkatao kong binasag mo.
Na alam kong sa bawat hakbang ko palayo sayo,mabubuo ako.
Mabubuo ako.Buong buo kung saan bukas makalawa,
Sa muling nating pagkikita,
Ang sugat na dinulot mo ay naghilom na.
Ang mga ngiti sa labing ninakaw ay naibalik na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hugot PoetryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon