"May mga rules na dapat ay sinusunod at yun ang rules nila. You need to wear the uniform ng school nila not that clothes that four of you wearing!" Napatingin naman kami sa suot namin at nagkibit balikat. "And how many times do I need to tell you that Don't. Dye. Your. Hair!!"

      Nagpablonde kasi ako ng buhok habang sila ay nagpabrown naman. Dating puro black lang ang buhok namin e ang boring ng black lang so ayun!.

           "Pinapasakit nyo ang ulo ko!"

          "Pa, we're having fun!" Katwiran ko naman kaya nagsitango naman ang tatlo.

            "Having fun?! Do you think breaking all the rules are having fun?!!" Nagpupuyos na sa galit si Dad at halos makakita kami ng apoy sa mata nya tumango kami ng sabay-sabay.

     Sandaling napatahimik ang lahat habang si Mama ay umiiling-iling sa amin. Narinig namin ang buntong hininga ni Papa kaya napabalik sa kanya ang nga tingin namin.

          "You pushed me to do this! Simula bukas sa ibang school na kayo papasok?"

    Nag ningning naman ang mga mata namin at sabay-sabay na nagsalita.

             "West Academy?!!" Sabay-sabay namin sabi habang nakangiti pero nawala ang ngiti namin ng makita namin ang pag-iling ni Papa.

           "North Academy." May conviction nyang sabi kaya nagulat kaming lahat maging si Mama.

           "North Academy?! Papa!!" Angal namin.

      Nakita namin na hinawakan ni Mama si Papa sa braso.

             "Pa!" Sa sinabi naman ni Mama ay alam na ni Papa ang ibig sabihin.

             "No Ma! We need to do this para madala yang mga anak mo." Hindi parin maitatago ni Papa ang galit sa boses nya.

            "But Papa, North Academy is school for delinquents." Sabi ko na parang hindi alam ni Papa ang sinasabi ko.

           "At ano kayo sa tingin nyo?!!" Galit na galit na sabi ni Papa kaya natahimik kaming apat.

           "My decision is final. Papasok kayo sa North Academy bukas at AKO ang maghahatid sa inyo!" Diniinan nya ang ako pagkatapos ay tinalikuran kami bago pabagsak na isira ang pinto ng kwarto nila.

     Nasa baba kasi ang masters bedroom dahil ayaw nila Mama at Papa na umakyat sa hagdan nakakapagod daw habang sa taas naman ang kwarto naming apat pati ang guest rooms.

      Ang unang dadatnan ay yung kwarto ni Maxy the kay Ely, Francy tapos yung akin habang sa left side yung guests rooms.

       Tinitigan kami ni Mama bago bumuntong hininga at sumunod kay Papa. I know kakausapin nya si Papa pero hindi na kami aasa na magbabago pa ang decision ni Papa. We know him too much!

      Nagpatuloy kami sa pag-akyat sa kwarto namin at habang naglalakad kami ay nagsalita si Francy.

              "Pano yan?! Ano gagawin natin?" Mahahalata sa boses nya ang bahagyang takot.

      Sabay-sabay naman nila akong tiningnan na tatlo.

               "Let's give this one to Papa, alam ko naman na sandali lang din tayo dun sa school na yun e."

               "I don't think so. School of delinquents nga diba? So it means eskwelahan ng mga patapon na estudyante." Sabi naman ni Maxy kaya napaisip ulit ako.

               "Let's break their rules. Easy as that!" Parang hindi naman sila naniniwala. "Every school has their rules and breaking that rules is a sin. Pag binreak natin ang rules siguradong papaalisin ulit tayo dun." Nakangisi kong sabi.

      Bumalik sa mga mukha nila ang ngisi bago kami isa-isang pumasok sa kanya-kanya naming kwarto para magpahinga. See you tomorrow North Academy!!

. . . . . . . . .

What can you say? I badly need your Feedbacks everyone. ❤❤❤😘 Chandria on multimedia.

Rule Breakers ✔Where stories live. Discover now