"tangina naman beb, minsan ka na nga lang pumunta sakin dito problema pa dala mo."-sumbat ko sa bestfriend kong babae.
"beb ka-khashi wala *sob* na thalagha akhong matatakbuhan eeehhhh."-sagot nito habang humihikbi.
"punyeta. ano bang akala mo sakin takbuhan ng mga nangangailangan? 911? ganun ba?"-naiinis kong tanong sa kanya.
Leche kasi. Paanong hindi ako maiinis? Nagpabuntis lang naman siya sa tarantado niyang boyfriend. Aba't sinong matutuwa sa ganyang balita? Eh kahit nga siguro tatay nito magwawala o manghahabol ng may hawak na itak maputol lang yung *ahem* *ahem*basta alam nyo na yun. yun na yun di na kelangan i-explain. GETS?
"beb naman iiihhhhh."-bigla nalang pumalahaw ng iyak tong bruhilda na to na ikinasakit ng tenga ko.
putang*na! kung di ko lang to kaibigan baka nasapak ko na talaga to eh. pasalamat lang talaga siya at kahit papaano sinasapian ako ng anghel at nakikilala ko pa siya.
"tumahan ka ngang impakta ka. Ginusto mo yan. Panindigan mo. Sampalin kita diyan ng kaliwa't kanan ng matauhan ka eh."-mataray kong sabi.
"beb, naman papanindigan ko naman talaga to eh. kaya lang... kaya lang kasi ayaw niya hindi pa siya handa."-nagsimula na naman siyang suminghot singhot ng uhog niya. tsss. hindi na talaga to nagbago eh , simula pa ng mga bata kami napaka iyakin at uhugin. Pero kahit ganun maganda siya. Saming dalawa SYEMPRE AKO ANG PINAKAMAGANDA. HAHAHAHA. JOKE. Asa kayo. Tinabihan ko siya sa sofa at inakbayan.
Napabuntong hininga ako. Tangina talaga ng mga lalaki ngayon. Asan na ba yung mga maginoong lalaki na meron noong unang panahon? Bakit bigla nalang naglaho? Bwisit talaga pag naglelevel up ang kabihasnan. "Wag ka ng umiyak. Punyeta ka kasing babae ka. Pinakitaan ka lang ng good side sinuko mo agad bataan mo. Ano ka ba naman beb? Diba sinabhan na kita noon , wag kang agad agad bibigay sa mga kabaitan niya. O tingnan mo nangyari ngayon? Umuwi kang luhaan at sawi."-mahaba kong litanya sa kanya.
"beb pano kung.. ipalaglag ko nalang yung bata?"-tanong niya.
nabigla ako sa sinabi niya. pero ng makarecover ako isang malakas na
*PAK*
ang natanggap niya sakin.
"aray ko beb! masakit yun ah."-naiiyak na naman siya.
"tangina mo beb lumayo-layo ka sakin bago ko makalimutang kaibigan kita. Hinayupak ka. ano bang naisip mo at pumasok yun sa kokote mo? Sa tingin mopag pinalaglag mo yang bata matatapos na problema mo? Babalik na yung supot mong syota sayo? ay nakalimutan ko nakabuo siya diyan sa tiyan mo sa matres mo kaya hindi pala siya pwedeng maging supot. Peste talaga! Ipalaglag mo yang bata at uusigin ka ng konsensya mong gaga ka! teka meron ka pa ba nun? Hirap sayo kakasabi ko lang na mag isip ka andyan na naman hindi mo na naman ginagamit utak mo. Ano pat naging valedictorian ka kung tanga ka naman sa pag ibig?! Shutangina lang. Nababaliw ka sa maling lalaki. Nyemas talaga!"-nakakasagad ng pasensya tong babaeng to. Hay nako. mauubos ganda ko sa problema niya.
Hindi siya sumagot. Pero tuloy pa din siya sa pag iyak. Naaawa din naman ako sa kaibigan ko. Pero kung ipapakita ko yun lalo lang siya magiging mahina. Hindi man halata pero parang kapatid na din turing ko sa kanya. Mahal ko siya at nag iisang kaibigan ko lang siya. Hinintay kong matapos siya sa pag iyak niya pero 5 , 7 , 10 mins hindi pa rin siya tumitigil sa pag iyak. Tumayo ako at pumuntang kusina. Kumuha ako sa drawer ng kutsara at ice cream sa loob ng maliit kong fridge. Pagkatapos ay bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi niya at inabot sa kanya ang hawak kong ice cream at kutsara.
"O ayan. Peace offering. Pasensya na sa mga sinabi ko sayo. Nadala lang ako ng emosyon. Alam mong nag iisa kitang kaibigan at parang kapatid na din turing ko sayo. Ayoko ng nakikita kitang nasasaktan o umiiyak. Kung pwede lang na ako nalang ang nasa sitwasyon mo gagawin ko kaya lang hindi pwede kasi wala sa plano ko ang mabuntis no. Masarap ang buhay single. Nakng~ hay nako. Basta sorry na."-nakatingin lang siya sakin at biglang yumakap.
"beb kahit sorry lang okay na. ang dami mo pang sinabi eh"-sagot niya. Pinunasan niya ng laylayan ng damit niya yung mukha niyang basng basa ng luha.
*PFFFTTTTT* *singhot ng uhog*
tinignan ko siya ng mala WTF na look. sheyt lang kasi diba? ang laki laki niya na pero sininga niya sipon niya sa damit niya. Like duh? Spell MATURED db. Tiningnan lang ako ng kaibigan ko ng inosente lool. Napabuntong hininga ako.
"Bakit?"-nagtataka niyang tanong sakin.
napailing nalang ako. Kawawang baby. Paano na siya kung mas isip bata pa sa kanya nanay niya? tsk. tsk.
"akin na nga yang ice cream. nagutom ako bigla."-hinablot niya sa kamay ko yng kutsara ska ice cream saka kinain na akala mo wala ng bukas.
"patay gutom talaga khit kelan"-pabulong kong sabi habang nakanguso.
"may sinasabi ka beb?"-tanong nito habang punog puno ng ice cream yung bunganga. aish. wala bang manners to?
"wala sabi ko ang ganda mo. sana mamana yan ng anak mo. YANG PAGMUMUKHA MO LANG HA! WAG YANG UTAK MONG MAY KALAWANG."-sabay takbo sa kwarto ko. boset. humiga ako sa kama ko , leche parang pagod na pagod katawan ko ah. makatulog na nga lang.
-----
A/N: SORRY. CHAPTER 1 PALANG NAMAN PO ITO SA MGA SUSUNOD NA CHAPTER AAAYUSIN KO NA. DI PA KASI AKO MKA CONCENTRATE NGAYON MASYADO EH.
YOU ARE READING
UNexpected BF
RomanceA/N: PLEASE do READ&COMMENT. Kahit wag na pong i-vote. Gusto ko lang po kasi i-try kung meron pa din akong silbi pagdating sa paggawa ng story. So ayun. PLEASE SPARE ME FOR BEING BASH. THANK YOU :)
