1-4

11 1 0
                                        

"Go Ken babes wooooooo!!" Galing talaga ni Ken babes mag laro ng volleyball hihi kaya idol ko sya e.

"KAYA MO YAN BABES! KONTI NALANG TIE NA WOO!!! GOOOO KENNETH!" 23-20 na. 23 yung kalaban nila kenneth tas sila 20 kaya konti nalang, 'Lord sana po manalo sila.'

Hanggang sa medyo tumagal nag tie na sila 24-24 and this time si kenneth babes ang mag se-serve. Huhu kinakabahan ako. Pumwesto na si kenneth dun sa may line at pumito na din si manong referee nung nag serve si ken babes bigla may umepal na bola ng basketball. Mas lalo tuloy akong kinabahan "-,-

Inulit ni kenneth babes ang pag se-serve at sobrang kabang kaba ako, buti nalang at hindi na outside yung bola dahil medyo napalakas din si kenneth babes ng pag serve. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto patuloy parin sa pag palit palit ng bola hanggang sa biglang nag spike si kenneth at hindi na receive ng kalaban kaya ang ending, Panalo sila.

"Waaaaah! Kenneth babes nanalo kayo wooo! Galing mo kenneth babes idol na talaga kita hihi!" Sabay abot sa kanya ng gatorade na dala ko.

Kung iniisip nyo na yaya ako ni Kenneth babes nag kakamali kayo, asawa nya ako A.S.A.W.A pero syempre joke lang di pa pede yun no, bata pa kami. Manliligaw nya ako. Oo tama kayo ng nabasa manliligaw nya ako, ako ang naliligaw kahit babae ako kasi mahal ko sya at sapat na yun period.

Kinuha ni kenneth babes ang gatorade na hawak ko at ginulo nya yung buhok ko, sweet diba? Improving na nga yan e, kasi dati nung 2nd year college ako dinya ako pinapansin,parang hangin lang ako sa kanya pero ngayon kinukilit nya na din ako.

"Ihh kenneth babes naman e kinikilig ako!"

"Adik! Thank you nga pala sa pag chi-cheer sakin at sa team namen a?" Sabay pisil nya ng pisngi ko.

"Kung ang kapalit naman ng pag chi-cheer ko ay ang matamis mong oo, why not diba?" Sinamaan lang nya ako ng tingin

"Peace." Sabay japan japan sign.

Sa tagal kong nanliligaw kay Mark Kenneth Garcia ay wala akong pinag sisisihan, kahit sabihin pa ng mga tao sa paligid ko na desperada ako sa kanya wala akong magagawa. Sinunod ko lang ang sinasabi ng puso ko, sinunod ko lang kung anong nararamdaman ko para sa kanya.

Kanina pa ako daldal ng daldal dito, ngawit na nga panga ko di parin ako nag papakilala sa inyo. Ako nga pala si Maria Katherine Magtalas at naniniwala sa kasabihang 'Aanhin pa ang kabayo kung wala namang damo? At aanhin pa ang damo kung wala namang kabayo?' I thank you.

Pag katapos ligpitin ni Kenneth yung gamit nya niyaya nya akong kumain.

Habang kumakain kami may naisipan akong itanong sa kanya,

"Babes kelan mo ba ako sasagutin?" *pout* hihi pa awa effect

"Tss. Kala ko ba mag hihintay ka kahit gano katagal? Diba ganun ang nanliligaw?" Sabay pitik sakin sa noo!

"Aray naman babes! Oo hihintayin kita kenneth kahit gano katagal kasi mahal kita, mahal na mahal."

"Tumigil ka na nga dyan sa kaka-daldal! Kumain ka na lang."

"Aye!aye! Captain "

Hanggang sa matapos kaming kumain at papauwi na kami ng bigla kaming napadaan sa isang toy store malapit sa school. Napahinto ako dahil nakakita ako ng isang blue na teddy bear at isang pink na teddy bear na may heart sa gitna. Ang cutee! Gusto ko sanang bilin kaso wala naman akong perang dala at may pinag iipunan ako para sa isang bagay na gusto kong mabili.

Napansin ni Kenneth na napahinto ako sa tapat ng toy store at nakatingin dun sa mga teddy bears. Bigla nya akong hinila sa braso at kinaladkad -,-

"Weyt lang naman babes baka madapa ako wo!"

"Tss. Bilisan mo nalang dahil baka gabihin tayo sa daan."

Lagi akong hinahatid ni Kenneth sa bahay pauwi dahil walking distance lang naman ang bahay namin mula sa school, at malapit lang din bahay namin sa kanila dalawang kanto lang agwat.

Napansinko lang na may naka paradang itim na hilux dito sa harap ng bahay namin, kaya nag madali akong pumasok sa bahay at pag pasok ko nakita ko si Mama na nakaupo sa sofa kasama si Ate Raquel, pinsan ko. Dali dali ko silang pinuntahan.

"Waa! Ate raquel nandito ka! Chocolates ko?" huhu na-miss ko sya. Nag ta-trabaho kasi sya sa ibang lugar pero dito parin sa bansa. Minsan lang syang makauwi dito, pag holidays lang sya nakakauwi kasi masyadong busy yung tao. Nakakagulat lang at nandito sya kasi di naman holiday e.

"Wow naman ineng ha? Ofw? Ofw?" Ofw lang ba ang nag papasalubong ng chocolates?

"De wag! Hi mama." Nag bless na ako kay mama kasi mabait ako hihi.

"Hinatid ka ba ni Mark Kenneth anak?"

"E, opo."

"Laa! Sino yun? Manliligaw?"

"Nako hindi raquel! Sya pa ang nanliligaw dun sa lalaki HAHAH!" Mama talaga -,-

"Sige po akyat na ako sa taas."

Diko na inantay na sumagot pa sila at nag madali na akong umakyat sa taas.

Nag bihis na rin ako at ginagawa ko na ang assignment ko ng biglang tumunog cellphone ko.

1 new message

Fr: Kenneth Babes ♥

Woii panget anong ginagawa mo?

Anlaa! Panget daw? Ganda ko kaya! Saka ano kayang naisipan neto at tinext ako.

To: Kenneth Babes ♥

Wala naman gumagawa lang ng assignment, ikaw?

1 new message

Fr: Kenneth Babes ♥

Kausap ka :)

Ihh kinikilig naman ako. Hihi

To: Kenneth Babes ♥

Tapos ka na ba sa assignment mo? Buti naisipan mo kong itext?

1 new message

Fr: Kenneth Babes ♥

Oo tapos na ako.

Bilis namang gumawa ng assignment!

1 new message

Fr: Kenneth Babes ♥

Miss na kasi kita.

Anlaa!MISS NYA NA DAW AKO??? UWAAA!

Kenneth Babes ♥ is calling..

Hello?

(I miss you.)

E? Wag ka nga, pinapaasa mo lang ako e.

(I miss you.)

Paasa.

(I miss you.)

Kyaah! Wag ka nga kenneth!

(Manong sabihin nalang na 'I miss you too' tss)

Ade I miss you too!

(Sus, kinikilig ka lang e! Sige na bye na.)

Lah! Pinatayan ako "-,-

Kakababa ko palang ng ng cellphone ko sa table tumunog nanaman.

Kenneth Babes ♥ is calling..

(I love you.)

Then suddenly he hang up.

Darn it kenneth! Pano ako makakagawa ng assignment ng ayos kung ikaw nasa isip ko?

I Love You Till DeathStories to obsess over. Discover now