Fault
"Hello.."
Agad kong sinagot ang tawag ng kaibigan, palinga linga ako sa paligid. Nasa airport ako at kakarating lang ng sinakyan kong eroplano mula US kung saan ilang taon ang nanirahan.
" Andito kami sa bandang kanan"
Lumingon ako sa direksyong sinabi niya at napangiti ako ng matanaw ang kumakaway na kaibigan na malaki ang ngiti sa akin. Naglakad ako palapit sa kanya at sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap, gumanti ako ng mahigpit ding yakap.
"I miss you.." aniya
"I misss you too.."
Nahagip ng tingin ko ang lalaking nakatayo sa tabi niya. Nakangiti ito at nakapamulsa ang isang kamay at kumaway ng bahagya ang isang kamay. At kahit na ilang taon na ang lumipas ay katulad pa din siya ng dati maliban sa lumaki ang katawan at bahagyang tumangkad ay wala pa ding nagbago sa isa pang kaibigan namin na at ngayon ay kasintahan na ng bestfriend kong si Jas.
"Hi"
"Gray!"
"Welcome home.." he chuckled.
Both Jasmine and Gray are my high school friends. Sinong mag aakala na ang dalawang 'to na madalas magbangayan noong high school ay magkaka in-love-an ngayon. Kumapit sa braso ko si Jas matapos ang mahigpit naming yakapan kanina paniguradong maraming kwento ang kaibigan ko at di ako pakakawalan ng isang 'to hanggang hindi natatapos ang mga kwento niya. Kinuha naman ni Gray ang mga bagahe ko at siya na ang nagtulak ng mga ito.
Weeks after ng senior high graduation namin ay nag migrate na ang pamilya ko sa US kaya doon na din ako nag aral ng college pati na ang dalawa ko pang nakatatandang kapatid. Pagkagraduate ng college ay nagtrabaho din ako sa ibang bansa ang totoo'y wala sa plano ko ang pag uwi sa Pinas. Last year lang ay nag retired na si Dad bilang isang doktor sa US kaya naman pati ang mom ko ay nag resign na sa trabaho niya sa US bilang medtech at umuwi na ng Pinas para magbakasyon sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas.
Ang panganay ko namang kapatid ay nauna ng umuwi four months ago at planong magtayo na lng ng sarili niyang clinic.
"Plano mo din bang mag stay na dito katulad ng kapatid mo o bakasyon lang?" tanong ni Jas pagkasakay namin sa sasakyan ni Gray.
Mag isa kong nakaupo sa likuran, si Jasmine ang nakaupo sa tabi ng driver seats at si Gray ang magda drive.
"I don't have plans yet.. pero nag resign na ko sa trabaho sa US gusto ni dad na dito na ko magtrabaho pero ... I don't know" kibit balikat ko " I don't really have plans yet.. baka bakasyon lang.."
Pinanliitan ako ng mata ng kaibigan.
"How about the suitor you mention last time? Yung AFAM na kasama mo last time na tumawag ako? jowa mo na?"
Pati si Gray ay napatingin sa akin sa rearview mirror habang nagdadrive at tahimik na nakikinig sa usapan namin. I just rolled my eyes.
"Friends lang kami ni Drake.. mabait siya pero Idon't see him in a romantic way"
"Oh! so basted na? Kailan ka pa ba magkaka jowa? lahat na lang may gusto sayo friends lang"
Again. I just rolled my eyes.
"Nga p-pala alam kong ayaw mo ng makibalita kay Clyde pero since magkikita din naman kayo sooner sa kasal ni Jewel.. kaya siguro okay naman na banggitin ko siya .."
I sighed.
Isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto ko na lang manirahan at magtrabaho sa states ay para tuluyan ng di magtapo ang mga landas namin. After what happened years ago pinili kong wag ng makibalita pa sa kanya hindi ko din planong umattend sana sa kasal ng pinsan kong si Jewel pero kinukulit ako ng pamilya ko ng mga tito at tita ko pati na ng ibang mga pinsan. At sa huli ay napapayag din nila ako afterall hindi naman nila alam ang totoong dahilan at wala din akong balak na ipaalam sa kanila na ayaw ko lang na muling magkita kami ni Clyde.
"Nabanggit ko din kase sa kanya na ngayon ang uwi mo"
Nilingon niya ako at binigyan ko ng masamang tingin ang kaibigan. Alam naman niyang hindi na kami okay ni Clyde pero nakuha niya pa talagang banggitin na ngayon ang uwi ko.
"Binanggit mo pa talaga? As if naman interesado yung tao sa akin" mahinang sabi ko. Nakita kong muli akong sinulyapan ni Gray sa rearview mirror.
Muntikan ko ng makalimutan na bestfriend nga pala 'tong dalawa. Tinikom ko na lang ang bibig ko baka may masabi pa ako kay Clyde at makarating pa dito.
"Di ko naman sinasadyang banggitin sa kanya. Inimbita kase nila itong Gray sa kanila at nabanggit niya na may lakad kami ngayon." tumawa siya ng bahagya saka ako saglit na nilingon "Ayaw pa nga maniwala akala nag rereaason lang na may lakad kami ngayon na hindi pwedeng ipagpabukas kaya nabanggit ko na susunduin ka nga namin ngayon dito sa airport.. ayun di na nila pinilit si Gray. Sa ibang araw na lang daw nila itutuloy ang inuman"
Muling sumulyap si Gray sa rearview mirror pero di na ko nagsalita mahirap na.. loyal pa naman 'to kay Clyde.
Back in high school kaming apat ang magkakaibigan pero after that day we grew apart.. Iniwasan niya ako at ganundin ako kay Clyde. Nang magpunta na ko ng US ay nag de activate na din ako mga social media accounts ko.
Alam kong nasaktan ko siya sa naging desisyon ko pero ako din naman nasaktan din ako. Akala niya ba hindi ako nasaktan?
Pinikit ko na lang aking mga mata, plano kong matulog na lang sa byahe lalo pa't mukhang naubos na ang baong kwento ng kaibigan ko. Ayoko ng alalahanin pa ang nakaraan. Ayoko ng balikan ang mga maling desisyon ko sa buhay noong bata pa ko. Ayokong mahalata pa ng dalawang kaibigan na hindi pa ko nakaka move on.
Nasaktan ko siya.
Nasaktan ako.
Naka move-on na siya.. ikakasal na nga siya at ang masakit sa pinsan ko pa pero wala siyang kasalanan. It's all my fault.
Ako lang ang dapat sisihin sa sakit na nararamdaman ko.
Ako lang...
BINABASA MO ANG
Status : It's Complicated!!
RomanceMeet Stacey, a high school student who is head over heels for Briggs, the notorious playboy of Prince Ville Academy. Briggs, however, has his eyes set on Jewel, the campus queen. Meanwhile, Jewel has a crush on Clyde-the resident genius-who secretly...
