"Pag balik ko,sabay natin tutuparin ang mga pangarap natin"
Yan ang mga katagang sinabi niya,bago siya umalis patungo sa States kasama ang kanyang pamilya.
Yan ang mga sinabi sakin ni King. Si King? Sino ba siya? Siya lang naman ang childhood friend ko. Oo crush ko siya noon pa man. Crush ko siya dahil ang bait niya, kagwapuhan siya at mabuti naman ang kalooban niya. Kaya nga hanggang ngayon di pa rin ako nagsasawang maghintay sakanya. Sana maging kami no? Pero siguro hanggang pangarap ko nalang siya. Yung mga pangako niya baka joke niya lang. Pero hihintayin ko parin siya. Si King De Castro Lopez.
Hanggang ngayon wala pa rin akong balita sakanya,sadlife.- Nakalimutan na niya siguro ako? Pero pano ako? Naghihintay pa rin ako sakanya imagine im 19 years old now. Huli niyang sinabi ang mga katagang iyon noong mga bata pa kami. Hahaha talas ng memory ko no.
Nakalimutan na niya kaya ako? Ako kaya si Queen Alfredo. Ang maganda niyang reyna,ang maganda niyang kaibigan at ang magandang baba-----
"Nanaginip ka nanaman ba Queen?" Tanghaling tapat nanaginip kana, sabi ni Alexandra ang bestfriend ko.
"Panira ka! Pagpatuloy mo nalang nga paga-ayos jan sa kwarto mo!" inis kong sigaw sa kanya, natahimik nalang siya.
Naiinip nako kakatitig kay Alexandra,nakakasawa kaya mukha niya. Nagpaalam muna ako sakanya na pupunta muna ako saglit sa mall para maglibang,at pumayag naman siya.
-
Pagkatapos kong manuod ng cine pumunta naman ako sunod sa isang fastfood chain kase kanina pa ako gutom. Habang hinihintay ko ang order ko, tinawagan ko muna si Alexandra.
"Hoy! Nasan kana! Ang tagal mo!" Sabi ni Alexandra na pagalit.
"Wait lang, pauwi na ako niya-----.
Naputol ang sasabihin ko dahil,may isang binatang nakagaw ng atensyon ko. Imposible! Kailan siya bumalik? Kamukha niya lang siguro? Hindi siya ito!
"Hoy! Nanjan kapa? Bilisan mo!" Inis na sabi ni Alexandra sakin.
"Best! Si...Si.. A-ano na...naaakita ko. Si King!" Sabi ko sakanya, habang nau-utal.
"Sinong King?! King De Castro Lopez?" Ani niya ng may pagkagalak at pagkabigla.
"Sh*t! Siya yata yun,Oo! Siya nga di ako nagkakamali! Siya nga bestfriend,patayin ko muna. Pagdala nalang kita ng fries and sundae. Bye"
"Hooooo-------" Pahabol niya pang sabi ngunit pinutol kona ang linya.
Pinatake-out ko nalang ang nga in-order ko.Pinuntahan ko ng mabilis si King,na may kasamang mga barkada niya siguro. Dina ako nagpaligoy-ligoy pa.
"Kinggg!" Sigaw ko,sabay yakap sakanya.
"Sino ka? Bitawan mo nga ako!" Galit na sabi niya sakin.
"King? Hindi mo naba ako kilala? Ako ito si Queen!" Sabay-sabay na tumingin sakin ang mga kasama niya.
"Queen? Sino kaba? Di kita kilala miss sorry, tsaka sinadya mo ba ang pangalan mo? Queen at King? Patawa ka miss. Sorry di kita kilala,pero paano moko nakilala?!" Sabi niya sakin.
"Pfft! Pre oo nga,miss sino kaba? Hahaha Queen? Joker ka talaga miss. Umalis kana lang dito, di ka namin kilala" Sabi ng mga kasama niya sakin.
Pinagtabuyan ako ng mga kasama niya habang siya tumatawa lang doon.Hindi na siya yung King na nakilala ko. Nakalimutan niya na kaya ako.
-
Pumunta ako sa paborito namin parke noon ni King, dito kami palaging naglalaro noon. Nagustuhan rin namin itong parke na ito dahil tahimik lang. At doon nagpasya na akong umiyak at ilabas lahat ng sama ng loob ko dahil wala naman masyadong tao at tahimik.
