Manhid

4.4K 73 14
                                    

</3 Para sa mga taong manhid.. Matuto kang rumespeto at tumigil para tingnan ang damdamin ng iba.

Binubulag ang sarili sa mga taong akala nila mahal nila, pero hindi pala. Trophy lang pala ang tingin nila. Manhid sila sa nararamdaman ng iba, at higit sa lahat sarili lang nila ang iniisip nila.

<//3 Kahit SECOND BEST ka... at nagmamahal ka, para din to sa'yo. Kung alam mo lang na ganoon nga, edi sana ikaw na ang lumayo at hindi nagpakatanga.. Lalo na ikaw. [NRBDV]

<///3 For the brokenhearted, especially for the girls there, who, in one way or another have experienced loving but cried in return. You don't have to let it linger, sabi nga. Leave your old self, stop crying, stand up, and the hell we care for the men who hurt us! <////3

M   A   N   H   I   D

by Heather_Juno

Hindi mo alam na mahal kita

Pagwawalang bahala mo’y nakakasakit na

Manhid ka ba o tanga lang talaga

Damdamin ko ba ay kailan sasaya?

Gusto kong malaman mo ang pagmamahal ko

Dahil itong puso ko ay para lang sa’yo

Ano nga ba ang mayroon sa sarili mo

At minahal kita nang ganito?

Nasasaktan na ako sa ginagawa mo

Siya ba talaga ang nilalaman ng  puso mo?

At ano bang mayroon siya na wala ako

Dahil nabulag na ako sa pagmamahal na ito

Mahal na mahal nga kita

Kaya nga lang pag sinabi ko’y baka magalit ka

At isa pa’y baka hindi ka na makasama

Pababayaan ko na lang na manhid ka’t baka lumayo ka pa.

Lalubs <3

Heather_Juno

ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon