Totoo bang pag first-born laging talo? Hindi? Well ako, oo! To all first-born out there, I feel you. Nakakaiyak man sabihin, pero oo, member ako ng FBO or First-Borns Organization.
Dahil nga first-born ako, wala akong choice kung hindi magpaka-ate sa dalawa kong mga asungot na kapatid. Ewan ko ba, pero pag dating sa parents namin, sila nalang palagi ang magaling. Si Daddy, favorite si Daisy, dahil daddy's girl siya. Oo pinipilit kong intindihin kasi siya ang pinaka sensitive saaming tatlo. Sakitin, matampuhin, maarte. Si Ross, ang aming bunso na sobrang mama's boy. Alam mo yung kahit tinignan mo lang naman siya ng masama pag nag-sumbong siya kay mommy, literal, magiging masama ka talaga. Pero hindi naman yun excuse para baliwalain ako diba? Bakit ba kasi? Dahil ba sawa na sila sa pag-intindi saakin? Bakit? Sa aming tatlo, ako ang may pinaka-madaming achievements na nakuha since the first day I entered school. Ako ang laging may stars, ako ang laging may gold medals, at ako ang laging nakakakuha ng compliment. Pero bakit ako ngayon ang naiitsapwera? Mas mabuti na din sigurong pumunta nalang sa probinsya after ng graduation ko ng high school. Dun nalang ako sa lugar kung saan ako naman ang mahalaga, kung saan ako naman ang bida. Sa bahay ni Lola.
Pero pano ko nga ba sisimulan ang renewed life ng nag iisang Dahlia Margarita Llanez?
YOU ARE READING
FIRST BORN
Romance"Who's this?" "RJ is the name. You are?" "How did you get my number?" "The whiteboard? And your name, please?" "What whiteboard? Margarita, btw." "Look out to your window, badass." "wtf?" FIRST BORN All Rights Reserved. Copyright © 2016. Written by...
