KUNG PAANO AKO NAG-MOVE ON - Part 1

10 2 0
                                        



Ako nga pala si Missy. 24. Nagta-trabaho sa isang malaking BPO company sa Eastwood. Magpa-Pasko nun nang magkipag-break sa akin ang ex ko. Sobrang random na araw. Nasa paborito namin kaming coffee shop sa Aurora Boulevard nang sabihin niya sa ken na ayaw na niya. Nanlamig ako nun. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Five years! Saan ka naman? Limang taon din naging kami. Paano ka naman makakapag-salita kung biglang sabihin sa yo ng jowa mo ng limang taon na ayaw na niya. Na break na kayo? Eh syempre bata pa ako nun. 22. Naiyak na lang talaga ako. Gusto ko siyang saktan o sampalin. Pero para ano pa? Kilala koi tong si Carl. Sa loob ng limang taon, kabisado ko na kung kelan siya nagbibiro o kung kelan siya seryoso. Nung nakipag-break siya sa ken, alam kong hindi siya nagbibiro. Hindi dahil sa sinabi niya. Hindi din dahil sa pagkasabi niya. Nasa mga mata niya. Kahit na may pagka-sira ulo yung taong yun, hinding hindi magsisinungaling ang mata ni Carl. Yun nga yata ang nagustuhan ko sa mokong na yun. Napaka-sincere ng mga mata niya. At kaya nga sobrang sakit dahil sobrang sincere - sincere na sincere ang pagkasabi ng mga mata niya na ayaw na niya talaga. Iyak naman agad ang lola mo. Wala nang tanung tanong pa.

Hindi na din kami masyado nagtagal ni Carl sa coffee shop. Nang medyo nahimasmasan na ako, umalis na kami at inihinatid niya ako hanggang sa bahay namin. 

"Sorry," sabi niya. Ako naman – at hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang sinabing, "Okay lang."

Siguro para may masabi na lang at makalabas na ako ng sasakyan niya. Pagpasok ko sa bahay buti na lang wala pa si ate at si mama – hindi ko na kailangang mag-explain kung bakit namamaga ang mga mata ko bago makaakyat sa kwarto ko. Pagkapasok ko ng kwarto ko, ni-lock ko agad ang pinto at kumuha ng gunting. Kalma, hindi ako nagpakamatay nung araw nay un. Pagkakuha ko ng gunting, umupo ako sa harap ng salamin at sinimulan ang trip ng mga babaeng gustong makalimot na pinauso ni Basha – ang paggupit ng buhok. Pak! Kahit hindi masyadong pantay, keri lang. Ang mahalaga, magawa ako agad ang ritwal. Ang sabi ko sa sarili ko, "Hindi ko na patatagalin pa ang proseso ng pagmo-move on!"

Yun pala. Hindi siya ganun kadali.

(Itutuloy...)

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Mar 26, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

KUNG PAANO AKO NAKA-MOVE ONHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora