Kumuha ako ng isang malinis na papel dahil gusto kong magsulat, nang bigla mo itong inagaw sa akin, at sinulatan ito ng pangalan mo at pangalan ko.
Bakit? Bakit mo isinulat ang pangalan ko?
Nagtataka.
Nung isinoli mo na sa akin ang papel nakita ko nakasulat sa ibaba, J ❤️ L
Bumulong ka sa akin, "ayan, J ❤️ L" at umalis ng nakangiti. Ngiting may malalim na kahulugan. Ngiting parang may gustong sabihin pero wag nalang.
Ayokong mag assume na ako yung letter J na yun. Ayokong paniwalaan yung posibilidad na magkaroon tayo ng pagkakataon. Dahil alam ko, at malinaw na sa akin, kahit yung mga ako sa sarili kong panaginip na panaginip lang to. Hindi totoo. Malayong magkatotoo.
Matutulog na lang ulit yata ako.. Baka sakaling magkatotoo..
