Kalokohan 1 (Miss Perfect)

95K 3.6K 1.9K
                                    

Kalokohan 1 (Miss Perfect)

(Missy's P.O.V)

Tumunog ang alarm clock ko.

*kukoo kukoo kukoo*

(Luma na kasi kaya ganyan 'yung tunog)

Syempre dahil tumunog 'yung alarm clock ko nagising ako! Ang galing ano? Tulog pala ako kanina pero nagawa kong i-narrate 'yung nangyari! Emsobraytsss kasi!

Unat. Unat. Unat.

Hikab. Hikab. Hikab.

"Waaaaaaaah! Late na ako!" sigaw ko. Dahil late na ako may oras pa akong

magpakilala. Ang dami ko kayang time!

Ako si Missy Perfecto. My name says it all, I'm Perfect!

Maganda. Mayaman. Mabait. Friendly. Lahat ng magagandang katangian ay na sa akin na. Neseken ne eng lehet.

Madami din akong talent.

I can live. I can love.

I can reach the heavens above.

I can right what is wrong.

I can sing just any song.

I can dance. I can fly. And touch the rainbow in the sky.

I can be your good friend.

I can love you until the end.

Nakatira ako sa Watty Land. Kung saan kailangan required na may lahi ka bago ka maging residente dito.

Katulad ko, isa akong Half-Korean Half-Pinoy. Korean kasi ang gusto ng mga readers kaya dapat makisama ako para magustuhan nila ako.

Wag nyo nang kwestyunin kung nasaan ang Korean name sa Missy Peefecto. Wag kang nangingialam. Magbasa ka na lang.

Dahil sa haba ng introduction ko at quotang-quota na ako, kaya aalis na ako para pumasok.

Ano pa bang aasahan mo sa first chapter? Magigising. Papasok sa School.

Alam mo na ang kasunod? Syempre makikilala ko ang lalaking dapat kong makatuluyan sa story ko.

-

Sa School kung saan madaming tao na hindi na natin papangalan pa isa-isa dahil hindi naman sila importante at wala din namang kwenta.

Diretsyo agad sa ating bida.

Pumasok si Missy sa School at lahat ay natulala sa kanyang kagandahan.

Sa kanyang paglalakad ay nabunggo sya ng isang napaka-gwapong nilalang! Jaw dropping at mas mainit pa sa sikat ng araw ang pagka-hot ng lalaking nakabunggo sa kanya.

Fiction daw kasi kaya dapat sulitin na ang pagdedescribe.

"Aray!" late reaction at napaka-OA na bulalas ni Missy.

Titignan lang sya noong lalaki at hindi papansinin.

Snob kunyari. Cold hearted. Mala-gangster dapat ang datingan. Para mas cool I hashtag pa natin

#medyobadboy.

Napatulala sya pagkakita sa nakabunggo sa kanya at nakalimuitan na naiinis pala sya kaya bigla na lang syang magpapa-cute.

"Pesensye ke ne. I'm not looking kasi when I'm walking eh. Hashtag medyotanga." Pagpapa-cute pa ni Missy.

Dahil nga snob si hashtag medyobadboy kaya naman aalis na sya at iiwan nagdro-drool si Missy para makadagdag sa pa-mysterious effect na dapat nyang gampanan sa buong storya.

At dahil doon, naiwang nakatulala si Missy at iniisip kung

"Sino kaya sya?"

Wala nang maisip ang writer kaya bigla na lang matatapos ang Chapter one na susundan ng A/N na mas mahaba pa sa storya. Pero dahil nang-iinis talaga ang writer na ito kaya re-rape-in nya ang enter para mahaba.

A/N: BLAH BLAH BLAH BLAH. *insert Author's day to day diary here*

The Wattpad StoryWhere stories live. Discover now