Prologue

2.3K 3 0
                                        

Sabi nila lahat ng bagay ay may rason,pero sa iyong palagay anong rason ng mga magulang natin para pag-aralin tayo ng napakatagal sa eskwelahan?Isipin mo halos 14 taon tayo sa paaralan minsan pa nga ay higit pa,at pagkatapos naman ay kaunti lang din naman ang naintindihan natin sa mga tinuro ng mga guro.Mas natatandaan pa nga natin ang mga kahihiyan na nagawa sa paaralan kaysa sa mga pinamemorize nila.

Bilang estudyante na hindi alam ang dahilan kung "bakit nga ba ako nag-aaral?",ay nagsurvey ako,nagtanong-tanong sa kapwa ko estudyante kung bakit sila nag-aaral.Halos magkakaparehas lang ang mga sagot nila pero ito lang yung mga sagot na tumatak sa isip ko,mga sagot na alam natin na yun ang dahilan ng karamihan

1.Para makahanap ng magandang trabaho.

2.Para mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya ko.

3.Para makakuha ng diploma.

4.Para sa baon.

5.Para makita si crush.

6.Para iwas sa gawain sa bahay.

7.Para makasama ang mga kaibigan ko.

8.Para masuklian ang paghihirap ng magulang ko.

9.Para matuto.

10.Trip ko lang,pakialam mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit Kailangan Kong Mag-aral?Where stories live. Discover now