Chapter 9 - "Suspicions"

Start from the beginning
                                    

So, si Jazz pala ang nagtanggal ng damit ko? Ngayon naitindihan ko na. Yung lalaking tumulong saken ang nagdala sake dito, pero si Jazz ang umasikaso saken. Nakahinga naman ako ng maluwag dun. Gaga talaga tong bruhang to, pati bra't panty ko tinanggal.

"HOY! For your information! Pati bra mo sira kaya tinanggal ko! Ano bang nangyari at mukhang ginahasa ka kagabe?", did she just read my mind again?

Kaya ayun, kinuwento ko nalang din sa kanya lahat ng nangyari. At ang bruha, hindi manlang inintindi yung kalagayan ko. Alam niyo ba unang tanong?

"GWAPO BA YUNG LALAKING NAKAITIM?", -_____________- ayan po.

Nang makauwi kami sa apartment, sinalubong kami ni Tita Tessie tapos kinarga naman ni Jazz si Ethan, mamamalengke daw kasi si Tita Tessie. Buti nalang at walang pasok ngayon dahil nga second day palang ng event sa school kaya okay lang na hindi kami umattend.

Pabagsak akong umupo sa sofa sa may sala katabi ni Jazz na kandong kandong si Ethan at sinusubuan ng gerber. Pero hindi pa rin kasi ako mapakali eh, kahit alam kong si Jazz nga ang naghubad saken, kasi sira-sira daw yung damet ko eh. PATI BRA!

"Mmm, Jazz, sig---------------"

"OO NGA SIGURADO NGA AKO! Alam mo, masakit yun pag first time mo nakipagse-------"

"WAAAAAAAAAAAAAHHHH!", bigla kong tinakpan yung tenga ni Ethan! Bunganga ng babaeng to! Kung ano ano matutunan ng anak niya!

"Hoy, ano naman masama pag sinabi kong sex? Tong bruhang to, kala mo inosente. Hindi pa nakakaintindi tong anak ko noh!"

"Hoy Hasmin! Mahiya ka naman sa anak mo! Kabata bata kung ano ano na naririnig sayo. Wala kang kwentang nanay!"

"Achuchuchu! Matututunan din niya yun noh! Ano naman gusto mo, habang tumatakbo sila ng babae sa beach, tapos bigla silang napatid sa shell tapos nadapa tapos THREE POINT SHOT! Ganun nalang ba yun? Gaga to."

"Mas gaga ka! Ay nako, kawawa talaga yang anak mo sayo.", taray tarayan ko. E totoo naman kasi eh, kawawang Ethan, bastos ng bunganga ng nanay.

Pero deep inside, HAHAHAHAHA!!! Naimagine ko yung napatid sa shell tapos three point shot. Hahahaha! Dame talagang alam nitong gagang to.

"Oy teka nga bestfrieeeeend! Kamusta naman ang lips ng Chad mo?", kinikilig pang sabi ni Jazz na halos maihulog pa si Ethan. Kawawang bata talaga to.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDWhere stories live. Discover now