Sa panahon ngayon, hindi na natin masasabi kung totoo na ba ang mga nangyayari. Minsan akala natin, sigurado na tayo sa mga desisyon na ginagawa natin, minsan ay hindi na tayo tumitingin pa sa ibang pananaw kung saan nakakaligtaan natin ang mga bagay na sana'y mas nakabuti pala sa atin.
Maraming mga dahilan sa paghantong sa iisang desisyon, minsan galing ito mismo sa ating sarili at may panahon rin na sa ibang tao ito nagmumula.
Naranasan mo na bang magdesisyon ng hindi talaga umaayon sa iyong kagustuhan? May mga panahon na bang nangyari kung saan ang pinili mong landas ay nahadlangan na rin dahil sa mga persepsyon ng tao sa iyong paligid?
Magandang malaman ang katotohanan pero kadalasan, nakakasakit ito. Walang permanente sa mundong ito, maliban nalang sa salitang PAGBABAGO. :)
~El Unico
