"Julius???",patuloy ni Rubie, "Ayan tayo eh! So, babalik na naman tayo sa dati... yung masaya ka kasi lagi kang may note kay Papa J!"

"Eh... ano pa nga ba! Yung imaginary lover niyang gusto siyang i-coach maging singer sa THE BUZZ!", wika ni Rhyna

"Grabe siya oh! Sis... The Voice yun! Pinapanuod yun ng French Boyfie ko eh! Ang husay nga raw ni Sarah Geronimo...", sambit ni Rubie kay Rhyna at ibabaling naman ang tingin kay Janice, "Pero Sis... cute yung nagbibigay sa'yo ng sobre ah..."

"Ah? Yun?!",tanong ni Janice na unti-unting kakalma

"Baka naman yun ang nagbibigay sa'yo ng mga lyrics ah... Yummy din nun!", sambitni Rubie

"Speaking of lyrics... kailan ba ulit tayo makakapag-videoke sa kabubukas lang na bar ni Vince?", wika ni Rhyna na titingin mula sa malayo ang papunta sa kanilang staff na magaling kumanta na si Emil Sinagpulo,"Sama natin 'tong si Emil oh!"

"And speaking of lyrics... ano ngang sulat ang nakuha mo nung nagpaparlor tayo Sis?",tanong ni Rubie sa kaibigan na agad naman kukunin ang isang note sa drawer at titingnan:

HALIKA NA

PUMIKIT LIMUTIN ANG PROBLEMA

HIHINTAYIN ANG UMAGA

MAGPAHINGA

PANAGINIP ANG IKALILIGAYA

DARATING DIN ANG UMAGA

"Fit na fit pala itey noong paalis tayo eh... Umagang kay Ganda...", sambit ni Rubie habang hawak ang papel at mag-iisip, "Umagang kay Ganda...Umagang kay Ganda... Sis!!!"

Sa pagkahiyaw ni Rubie ay makakakuha sila ng atensiyon mula sa ibang staff hanggang sa papuntahin ni Rhyna ang 'Junior Writer' na si Emil sa kanila.

"Sis... nasaan pa yung ibang mga notes mo?", paghahanap ni Rubie kay Janice

"Ah... yung mga binigay nung cute na sinasabi mo... itinago ko yun sa drawer eh... ",banggit ni Janice at maghahanap

"Yes... Ma'am? Ano pong kailangan?!", tanong ng bagong dating na Emil kay Rhyna

"Eto!", gulat na sambit ni Rubie nang makita ang writer na ibibigay ang sulat na hawak at hahandugan din ng notebook at lapis, "Bilis Sis! Kailangan lang..."

"Oh... Eto na!",banggit ni Janice pagkatapos kunin ang lahat ng itinagong note at ibinigay naman ni Rubie sa lalaki, "Nilagyan ko ng time sa likod ng pagkakabigay sa akin!"

"Ayos... Ah...Hindi ba marami kang alam na songs, Emil?", sambit ni Rubie

"Yes! Bakit po Ma'am?", sagot ng manunulat na agad bubulungan ni Rubie sa tenga

"Ah... hihihi!",natatawang sabi ni Emil, "Ma'am... may kiliti po kasi ako diyan"

"Ay! Ganun ba? Sige, medyo ilalayo ko na lang ang bibig ko sa tenga mo... Ganito kasi"





Lumipas ang ilang mga sandali ay oras na upang makapag-out sa kani-kanilang mga trabaho.Ang tatlong magkakaibigan ay sabay-sabay na naglakad papuntang lobby at palabas ng kanilang gusali.

"I really now believed... nandito nga ang soulmate mo, Sis!", masayang sambit ni Rubie sa kinakabahang si Janice

"Ano daw?!? Well actually, dati pa lang naman ay alam ko nang may mga clue talaga sa ibinibigay niyang notes sa'kin, pero 'di ko inisip na ganito ang malalaman ko!", ani Janice

"Yes Sis!",banggit ni Rhyna na titingin sa kalye ng daraang taxi, "Kaya rin pala walang mga return address or person mailed from ang mga sulat na 'yan kasi yung sulat mismo ang magsasabi sa'yo tungkol sa taong ito..."

"Oh yeah! So...romantic! Ibang- iba sa mga pelikula at seryeng napanuod ko sa tanang buhay ko! Mga lyrics ng kantang... ", sambit ni Rubie natitingin sa pinunit na papel sa notebook na pinagsulatan ni Emil,

"Just the way you are, Umbrella, Loose My Breath, Ikaw ang Pangarap, Umagang Kay Ganda..."

Kikiligin ang lahat hanggang makakita ng taxi si Rhyna at paparahin, "Ngayon...naniniwala na akong may sense talaga ang pagiging inspired ni Janice... at ikaw naman Rubie, akalain mong napagana mo utak mo dun!Ha ha!", bebeso si Rhyna sa dalawang kasama at sasakay sa kotse... BYE!!!

"Sis... Tingnan mo ulit ang mga title ng notes mo! Ayon sa sunud-sunod na pagkakabigay ng taga-LVC sa'yo!", sambit ni Rubie upang lalo pang maging masaya ang kaibigan. Ipapakita nito ang sinulatang papel kasama ng mga naka-staple na mga notes:

JUST THE WAY YOU ARE

UMBRELLA

LOOSE MY BREATH

IKAW ANG PANGARAP

UMAGANG KAY GANDA

"First letters create a first name....J-U-L-I-U-... S na lang Sis! Mabubuo na ang iyong first true love!", sambit ni Rubie na titingin sa relos

"Oo nga nuh!",wika ni Janice na matutuwa sa papel na pinagsulatan, "Salamat sa tulong ninyo ni Emil ah! Kung bakit kasi kailangan pa ni Julius gawin ito eh!"

"Hello... alam niya kasing matalino ka kaya naisip niyang gumawa ng simple and exciting game for you! Be aware for your next note... baka si Papa J na ang magbigay sa'yo with matching pagluhod at may singsing na hawak tapos sasabihin sa iyong..."

"Will You Marry Me!!!!!!!", sabay na banggit ng magkatinginang dalawa na may pagsayaw-sayaw at pagtalun-talon sa hintayan ng sasakyan.

Mapupukaw nila ang atensiyon ng iba pang mga tao roon. Nang mapansin ng dalawa ang pagtataka ng madla ay bigla itong hihinto at mag-aayos ng sarili

"Ay! Pasensiya napo... masaya lang!", sambit ni Rubie sa mga tao at kakausapin muli ang kaibigan, "Sige na Sis at susunduin ko pa yung pamangkin ko sa Aseana Bus Terminal"

"Okay... Sige at mag-iingat ka ha!"

"Bye Sis! GoodLuck and Magpaka-blooming ka pa lalo!", sambit ni Rubie natatawid ng kalsada.









Maiiwan si Janice sa gilid na naghihintay ng jeep pauwi ng bahay at muling babasahin at titignan ang mga sulat na nakuha. Pipikit ito, hihingang malalim at hahalikan ang papel na hawak kasabay ng mahinang katagang...









YES! I DO...

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now