The Human Game

31 3 0
                                    

THE HUMAN GAME

There are twenty four contestants, twelve islands, and one winner. Who would you think will be lucky and become one of the very first human race on earth? We will find that out in the very first season of the “The Human Game”.

Matagal ko ng pinapangarap na maging kauna-unang tao sa daigdig, kaya lang alam ko naman na wala na akong pag-asa na manalo diyan sa “The Human Game” na yan. Unang-una, lampa ako. Maglakad nga lang ng konti pahirapan na eh, tsaka sobrang mabait talaga ako, as in. Never akong nanakit ng tao, makipagpatayan pa kaya. Mananatili na lamang akong isang bacteria habang buhay. HAAY. Mayroon nga lang isang nakakatakot na katotohanan sa game na yan: compulsory. Bubunot sila ng isang lalaki at babae na bacteria sa bawat isla tapos sila ang magrerepresent at magbubuwis buhay sa larong yan. “The Sepulcher Game” kasi ang title niyan dati, eh kaya lang wala ng thrill kasi pera na lang lagi ang premyo. Matagal ng may nakaimbento ng machine na kaya kang gawing isang tao, wala lang may lakas ng loob na subukan ‘to kaya siguro sa mananalo nila ito itatry. Nakaka-amaze ang structure ng isang tao ayon sa kanilang mga ginawa. May utak, mga kamay, mga paa, puso, atbp.

By the way, bakit nga ba yan ang pinag-uusapan natin? Simple lang. Nakapila kasi ako dito sa covered court ng isla namin. Lahat ng 12-18 yrs old kailangang pumunta dito, maliban na lang kung gusto mong magpakaladkad sa mga sundalong nakabantay. Usap na ng usap yung babaeng nasa stage, wala nga lang akong maintindihan sa sobrang kaba. Kasi imagine mo na lang kapag ako yung natawag? Panigurado na ang katapusan ng aking existence dito sa Earth.

Bumubunot na yung babae sa stage ng pangalan sa fish bowl, syempre ladies first. Eton na ang moment of truth. Dubdub.dubdub.dubdub. Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon ah.

          “(Insert name of bacteria here)”

          Boom. Napatingin kaming lahat sa likod. Thank you moon goddess at hindi ako natawag. Ang nakaka-kabang part nga lang ulit eh namatay sa takot yung natawag. Kung hindi nga lang life and death situation yung nangyayari ngayon baka napatawa na ako. Kaya ayun, bubunot na naman yung babae sa stage ng pangalan. Hindi naman siguro ako matatawag diyan.

          “Amoeba.”

          Ano daw? Why are they looking at me with sympathy?

          “Huy Amoeba, ikaw ang natawag.”

          Shocks! Ako daw! Kadiri naman, dinuraan pa ako nung kalapit ko. Balibhasa wala siyang branch. Sa kasalukuyan, andito na agad ako sa stage habang bumubnot na ulit yung babae ng pangalan ng lalake.

          “Lactobacilli.”

          Emherged! Si Lactobacilli! Crush ko yan! Sa kakiligan pa ata ako mamatay ah. JK. Umakyat na din siya sa stage tapos nag-nod kami sa isa’t isa. Yung babae naman sa stage kinongratulate pa kaming dalawa. Dumeretso na agad kami sa aming sasakyan patungo sa capitol. Wee. Makakasakay na din ako sa magic carpet.

          *After one and a half week*

          Madali lang pala tong “The Human Game”. Imagine patago-tago lang ako dito sa gubat. Playing safe ika nga. XD Kesa naman sa makipagsaksakan ako ako sa ibang bacteria di ba? Eh mabait nga ako. Ang malala lang na nagyari saken eh nung may pumasok na kryptonite sa katawan ko. Muntikan ko ng ikamatay yun. Buti na lang at para na akong artista sa game show na ito at may nag-sponsor sa akin ng gamot na pampatagal sa kryptonite na yan. Sa pagkaka-alam ko lang 4 na lang kaming natitira. Sobrang saya siguro kapag nanalo ako. Nanalo ako ng hindi gumagamit ng dahas. Yeah!

“Pst!”

          Akala ko katapusan ko na, yun pala si Lactobacilli lang pala. Ipinaliwanag niya saken na dalawa na daw ang kailangang manalo sa game na ‘to at kailanagan daw naming magtulungan. Syempre pumayag ako. Ang nakakatakot nga lang baka matalo na kami kasi hindi nga ako nakikipag-laban di ba? Ang nakakalungkot nga lang, hindi na ako naka-angal kay Lactobacilli. Sabay kaming naglakad-lakad sa gubat hanggang sa nakita namin yung dalawang kalaban namin. Kapag napatay naming sila, kami na ang mananalo. Kumakain yung dalawang bacteria ng blueberry ata yun. Maya-maya bumula na yung mga katawan nila at nag-collapse na sila. Ang simple naman ng pagkamatay nila. Silang dalawa pa naman ang pinakamalakas sa amin. Oh well, wala eh.

          “Let’s meet the new winners in our vey first edition of the “The Human Game”; Amoeba and Lactobacilli!”

          Biglang lumakas ang hangin, yun pala hinihigop na kami nung spaceship kung saan nandun ang machine na gagawa samin para maging isang tao. Ipinasok agad kami ni Lactobacilli dun sa machine, ni hindi man lang kami pinapaligo. Ang baho na kaya namin.

          Lumipas nap ala ang isang oras pero wala man lang akong naramdaman na kahit ano dito sa loob nga machine. Hindi siguro effective ‘to tapos papatayin na lang nila kami, kunwari namatay kami sa sobrang kagalakan. Dahan-dahang bumukas ang pinto ng aking machine, bumungad naman agad ang pagmumukha ng bacteria na nagpasok sakin sa loob ng machine, mukang Masaya yung bacteria. Pinalabas niyana ako sa loob ng machine. Sa isang sulok ng spaceship, may nakita akong isang tao. Lalaki siguro yun kasi maikli lang ang buhok. Noong nakita ako nung tao na maikli ang buhok, lumapit siya sakin.

          “Salamin oh, pareho na tayong tao.”

          Napa-iyak ako sa sobrang tuwa dahil natupad na ang aking pangarap. Si Lactobacilli pala yun. At lalaki nga pala talaga kapag maiikli ang buhok. Mahaba kasi ang buhok ko. After nun, kami ni Lactobacilli ang nagkatuluyan at dumami na din ang mga tao dahil kung sinong may pera ay pwede nang magpa-convert into human.

          At ito ang pinagmulan ng tao; machine.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Human GameWhere stories live. Discover now