“THANK YOU”
Ako'y lubusan napakasaya,
Sapagkat ika'y aking nakilala,
Walang pagsidlan ang aking tuwa,
Nang ika'y aking nakapareha.
Sana'y hindi ka magbago,
Lagi mong isipin, nandito lang ako.
Bakit ba ako nagkakaganito?
Anong meron ka't napasaya mo ako.
Bago natin simulan ang ating plano,
Iaalay ko muna ang tulang ito sa'yo.
Alam ko'y hindi ka mahilig sa ganito,
Pero sana'y napasaya kita, dahil dito.
Hindi man ako bihasa sa pagtutula,
Ikaw parin ang nag-iisa kong tala.
Malayo man ang ating pagitan,
Ikaw parin ang nasa aking isipan.
Pandak at Flatchested ang tawagan,
Pero ito'y nakaukit na sa'king isipan,
Hindi ko alam kung bakit gano'n ang tawagan,
Basta ako'y masaya, nang makilala kita kailanman.
