Day 1
February 5, 2013
Ordinaryong araw para sa lahat, pero hindi sa akin. Ito kasi yung araw na nagustuhan kita.
Nagprapractice tayo para sa isang musical event ng school. Close na close na tayo. Sa akin mo pa nga iniiwan ang mga gamit mo habang nageensayo ka sa mga segments mo sa show. Ewan ko ba kung bakit pumasok sa isip ko na gustuhin ka. Di ka naman sobrang gwapo, matangkad at matalino tulad ng mga ibang nagugustuhan ko pero sayo unang tumibok na tunay ang puso ko. Cheesy mang pakinggan pero yun ang totoo.
Habang break namin sa pagsasayaw, pinapanood kitang kumanta sa stage. At bigla kong naisip na gusto kita. Walang pag aalinlangan. Lumapit ang isang kaklase natin, tinanong niya ako kung gusto ba kita o may kakaiba na ba sa atin. Sa mga araw kasi na lumipas, tayo yung parating magkasama kaya siguro nahalata niya. Sinabi ko ang totoo, gusto kita.
At doon nagsimula ang pagkakagusto ko sayo.
YOU ARE READING
Lost
RomanceNot a typical story. This is a true to life story and has a very short content every chapter.
