'TIL DEBT DO US PART

14 0 0
                                    


Love in Debt. Love, definitely, moves in mysterious ways.

This was originally posted at scribd.com/fakekrisaquino and my "secret" website fakekrisaquino.com (which is inactive already) on August 05, 2010.

********

Tawagin nyo ko sa pangalan na Leo. I used to live a very simple happy life, not until my girlfriend of 3 years left me for a rich dirty old married man. On top of that, iniwanan pa nya ako ng maraming credit card debts from her shopping using my cards. Walang hiya yun, di man lang nya pinabayaran sa DOM niya mga utang nya. Bitter na kung bitter pero nasaktan talaga ako ng todo -- emotionally, financially, and almost my life kasi muntik na akong magpakamatay.

Pero may maganda naman nangyari out of it.

 ---------------------------

Wasak na wasak ang mundo ni Leo. Hindi klase ng taong umiinom si Leo pero dahil ng ipinagpalit sya ni Karina sa isang married, na marami ng apo, na dirty old man, lagi na lang itong nakatambay sa inuman sa tabi ng bahay nila.

"Leo, tama na iyan. Umuwi ka na sa inyo. Ikaw na lang isa dyan umiinom. Baka hindi ka na naman makapasok sa trabaho mo n'yan." Payo ni Manong Berto, ang friendly inuman owner.

"Nong Berto, okay lang 'yan. Wala na din akong trabaho. Tinanggal na nila ako." Ang sagot ng lasing na lasing na Leo.

"Mas lalong tigilan mo na pag-inom mo. Baka wala ka ng ibabayad sa akin. Maghanap ka muna ng bagong trabaho." Taray ni Nong Berto.

Inakay na si Leo ni Berto at inihatid sa di bahay nya. Mag-isa lang nakatira sa Leo sa maliit na bahay nya. Sya na lang kasi ang natira sa pamilya na single. Lahat na sila married. At patay na both parents nya.

The following day, tanghali na ng gumising si Leo. Nagising sya sa walang katapusan pag-'ring' ng telepono at celphone nya.

Hindi nya usually sinasagot kasi alam nyang mga credit card agents naman yung naniningil sa mga utang nya. Pero hindi naman talaga nya utang yun. Mga utang yun ni Karina na iniwan sa kaniya. Si Karina kasi medyo mahilig sa ng mga damit, sapatos, at kung ano-ano pa. Dahil mahal na mahal sya ni Leo, ibinigay talaga ni Leo lahat ng gusto ni Karina. Unfortunately, Karina does not love him that much. Nang may nakitang bottomless wallet si Karina, iniwan na niya si Leo.

Pero this time, dahil medyo wala pa sa sarili si Leo from his inuman last night, he picked up his celphone. Then, narinig nya ang malumanay na tinig ng isang babae.

"Hello, good afternoon. May I speak with Mr. Leo Sandiego. This is Luisa of HSBC." Sabi ng agent on the other line.

"Hi, Luisa. Paano maging good ng afternoon kung sisingilin mo ako sa utang ko." Pa-taray na medyo lasing pa na reply ni Leo.

"Sorry if nagulo ko ang hapon nyo. I can help you on how to find a solution to your credit card debts." Luisa tried her best to lighten up the situation.

 		 	 	 		 			 				 					 						'TIL DEBT DO US PART  					 				 			 		Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon