MY GANGSTA BOY [2]

Começar do início
                                    

"Welcome!!" - Fei

O_________________O

"T-thanks!!" then bigla akong napaiyak. Parang unti-unting natutupad yung mga wish ko. Waa! Hindi ako makapaniwala. Yung aura nila kanina na serious, napalitan ng genuine smile. Aww.

Lalo akong nagulat nung niyakap nila ako. 

"Ssshh! Hey, tahan na!" - Jia

Pinunasan ni Min yung mga luha ko. Ang cute nya!! Mas matangkad kasi ako sa kanya pero mas bata ako ng ilang years. 

Si Serri naman, mukhang umalis na kasi wala na sya sa loob eh. Ano kaya nagong reaction nya? Hayy. Sana matanggap nya na ako yung nakuha, mas deserving naman ako eh. Hindi na nya kailangan ng free tuition fee because she's rich. Siguro FAME lang habol nya. 

"So, kitakits bukas okay? Pumunta ka dito bukas ng mga 8am. Excuse ka na sa klase. May mga importante pa tayong mga gagawin." pagpapaalam sa akin nila Fei.

"Sige po! Thank You!!"

"Welcome!!"

Paglabas ko, wala na yung mga maga'audition. Sina Minah lang. 

"Kyaaaaahhh!!!" sila yan lahat, bigla ba naman nila akong dinumog at niyakap.

"CONGRATSSSS!!"

"Sabi na ba, ikaw ang makukuha eh!"

"I'm so proud of you, Suzy!!"

I love my bestfriends talaga. Kahit na mga mayayaman sila, hindi mababa yung tingin nila sa akin. Yeah, ako lang naman ang mahirap sa aming magkakaibigan eh. ;"<

"Kailangan nating magcelebrate!!" - Hyeri

"Oo nga, 5pm pa naman eh!" - Sojin

"So what are we waiting for, let's go!!" - Minah

Si Yura ang nanlibre ngayon. Napadpad lang naman kami sa Greenwich. Nung mga 6pm na, umalis na kami. Gusto pa nga sana nila akong ihatid pauwi kaya lang tumanggi ako. Kaya nauna na sila.

Sumakay na ako ng taxi pauwi. Tumigil yung taxi sa isang simpleng bahay which is bahay namin. Yeah, simple lang. Enough para sa aming dalawa ni Tita. 

Namatay kasi ang parents ko sa isang car accident. Since isa lang naman ang kapatid ni Mama, napunta ako sa kanya. Si Tita Eula. Ang swerte ko nga sa kanya eh, kasi ang bait nya. Itinuturing nya akong parang isang tunay na anak. Walang family si Tita, hindi sya nag-asawa eh. 38 years old na sya. Kaya kami lang ang nagdadamayan. Mahal na mahal ko si Tita kasi binubuhay nya ako.

Nagtatrabaho sya sa isang flower shop. Tumutulong din naman ako sa mga gastusin sa pamamagitan ng pagmo-modelling at pagkanta sa mga hotels. Kaya lang, kulang pa rin. Hindi naman kasi mahal ang ibinabayad sa akin. Pero okay lang, ang mahalaga.. nakakakain pa rin kami.

Mga 8 pa makakauwi si Tita ngayon. Overtime sila ngayon kasi may nag-order ng napakaraming flowers para sa isang kasal. Binuksan ko na yung gate at pumasok sa bahay. 

Dire-diretso na ako sa kwarto ko sa taas. Pag-on ko ng ilaw, may nakahiga sa kama ko. Nakalimutan kong pupunta pala sa bahay ngayon ang angel ko! >_<

"Babe, saan ka dumaan?" don't tell me sa...

"Bintana. Saan pa ba? Lock kaya ang pintuan nyo sa baba." tumayo naman sya mula sa pagkakahiga sa kama.

"Sa bintana na naman!?"

"Babe naman, yayawyawan mo lang ba ako? Don't I deserve a hug first??" tapos nagpacute sya by pouting.

Oo na, sya na cute! ^__^

Nilapag ko yung bag ko sa kama bago lumapit sa kanya at yumakap. Niyakap nya rin ako. "I missed you babe." then naramdaman kong hinalikan nya ako sa noo. Three times.

My Gangsta BoyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora