Dear Crush, Crush Kita

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ko alam eh, Sino ba siya?" Tanong ko.

"Basta kilala mo na siya, hindi mo lang alam. Ligawan ko kaya siya?" Tuwang-tuwa mo pang sinabi sa'kin.

"Ah. Ikaw bahala, sana... gusto ka rin niya." At nagbigay ako ng isang matamis na pekeng ngiti sa'yo.

--

Dear Crush,

Sana. . . sana ako na lang. . . Ugh--! Dapat hindi na lang kita crush, nakakinis naman. Basta, dapat hindi na kita crush. Dapat hindi na kita crush. Dapat hindi na kita crush! Bakit ba ganun? Kahit crush lang kita, nasaktan ako ng medyo bongga--? Ah basta! Lalayuan na kita, para mawala na 'tong kahibangan ko sa'yo. Kasalanan ko rin 'to eh. Ni hindi nga mo nga 'ata ako type, tapos aasa pa akong may gusto rin ka sa'kin? Pinapaasa ko ba ang sarili ko? Ang tanga ko pala. Nagyon kahit kailan, hindi ko na iisipin na ako rin ang crush mo, ni imagine, hindi ko na talaga gagawin.

--

"Viancis, galit ka ba sa'kin?" Seryosong tanong mo.

Napahinto ako sandali, kinabahan sa biglaang tanong mo. Hindi kita kinibo, at kunyaring busy sa pagsusulat sa likod ng notebook ko.

"May kasalan ba ako sa'yo? Bigla ka na lang hindi namamansin, ni hindi mo rin ako kinakausap t'wing kausap kita,"

"Wala. Wala lang ako sa mood," Tipid kong sagot sa'yo.

"Lagi na lang, palusot mo lang 'ata 'yan eh."

"Hindi nga, ang kulit mo naman. Do'n ka na nga." Asar kong sagot sa'yo.

"Ang sungit mo na naman,"

--

Dear Crush,

Kahit anong pilit kong layo sa'yo, hindi ko magawa, kahit anong sabi ko sa sarili kong hindi na kita crush... wala eh, crush pa rin kita. Kaasar! Lalo lang kita nami-miss eh, nalulungkot lang ako. Lalayuan ba pa kita? O hahayaan ko na lang--? Aba, crush lang kita pero nag-eemote ako dito dahil sa'yo ah!

--

Ilang araw na kitang hindi pinapansin, ni hindi nga kita kinakausap. At kung kausapin mo man ako, masyadong tipid ang mga sagot ko sa'yo. Alam mo 'yung nilalayuan nga kita pero, hinahayaan ko naman na magka-crush pa rin ako sa'yo. Ano ba 'to? Baliw na ba 'tong emotions ko?

"May tatanong nga pala ako sa'yo." Bigla mong sinabi sa'kin. Kitang-kita ko sa mukha mo ang pagkaseryoso mo.

"A-ano na naman?" Medyo awkward kong nasabi sa'yo, dahil kinabahan ako.

"Ano ang huli nating pinagusapan?" Diretso at walang alinlangan mong tanong sa'kin.

"H-ha? Ahm.." Napa-shrug lang ako, at sinabayan ko ng ilig ng ulo. "Hindi ko yata alam?"

"Ano ba ang naiisip mo ngayon?"

"Bakit ba?" Asar na sagot ko sa'yo.

"Bakit ba iniiwasan mo ko?"

--

Dear Crush,

Nahihirapan na akong alamin ang mga kilos mo. Ang gulo mo na nga, lumalabo ka pa. Parang bawat tanong mo sa'kin masasabi ko na, "Oo na, ikaw crush ko. Eh ano naman sa'yo? 'Di bali sana kung ako ang crush mo eh. Pareho pa tayong kiligin!" Aaay, naku! Kakaiba na talaga ang saltik ko sa'yo, uggok ka. Kakaiba na para sa'kin ang lahat ng kilos mo, nakakapanibago. Lahat na lalong naging unusual, pati na rin 'ata ang pagka-crush ko sa'yo... unusual na rin.

--

Ang bilis ng panahon, marami na rin ang mga magugulong eksenang nangyari. Pero 'eto, kinikilig parin ako sa'yo tulad ng dati, at crush na crush pa rin kita tulad ng dati. Wala na yatang bago do'n. Sabay ng pagbilis ng panahon, lalong lumalala ang nararamdam ko sa'yo, pati ultimong mga sobrang simpleng bagay na ginagawa mo, natutuwa ako ng sobra-sobra. Minsan nga hindi pa ako makatulog sa kilig kakaisip.

"Joshua," Narinig kong tinawag ka ng isa sa mga kaibigan mo. Pero ako 'yung simpleng limingon. "Prom na bukas, sino ka-date mo?" Tanong niya.

"'Yung balak ko sanag balak kong ligawan, sana pumayag siya."

--

Dear Crush,

Prom na bukas. Alam mo ba? Malamang sa malamang another hindi pa. Bago ako matulog, paggising, kahit naliligo, kumakain, o kahit ano man ang ginagagwa ko. Lagi akong kinikilig habang na-iimagine na ikaw ang makaka-date ko sa prom night, pero... hanggang imagination ko na lang yata 'yun. Ang sakit, ni hindi mo lang man sinabi sa'kin na liligwan mo na ang crush mo.

--

Prom night na ngayon, pero hindi ako excited tulad ng mga ibang babae. Paano ba naman kasi? Ikaw na crush ko, may ka-date na iba at liligawan mo pa. Ang sakit ah. Pero syempre, kahit hindi ako excited, pinaghandaan ko naman kahit papaano ang prom night. Nagayos ako ng simple, pero masasabi ko mismong maganda naman.

"Wow, Viancis! You look so pretty tonight."

Nginitian ko siya, "Salamat. Ikaw din Cheska ang ganda mo," Sabi ko sa kan'ya.

Maraming nakapansin na ang ganda ko raw lalo sa ayos ko. Pero, may isa pa akong taong inaasahan makapansin nito. At ikaw 'yun Joshua.

Nagsasayaw na sila, pero ako 'eto... nakaupo lang, siguro sa mga oras na 'to kasayaw mo na ang crush mo na balak mong ligawan.

"A beautiful princess like you is lovelier when wearing a smile."

'Yung boses na 'yun, ang kanina ko pang gustong marinig. Ang saya ko bigla.

"A-ano ang ginagawa mo dito? Asan na ka-date mo?" Diba, siya ang liligawan mo?

Tumawa ka lang ng mahina. "Kasi, wala eh... hindi pa siya pumapayag."

"Ha? Bakit naman?" Tanong ko sa'yo.

"Sayaw na lang tayo," Panyaya mo sa'kin.

Habang nagsasayaw tayo, hindi ko maisawang hindi makaramdang ng pagkailang sa'yo. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Isama mo na ang tuwa, kaba, kilig kasi ikaw ang kasayaw ko ngayon. At disappointment... kasi may liligawan ka na mga pala, at hindi ako 'yun.

"Smile ka naman," Nakangiti mong sinabi sa'kin habang nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ko naiwasang hindi mapangiti dahil sa'yo.

"Nice smile. Nga pala Viancis, pumayag na." Masaya mong sinabi sa'kin.

Umiwas ako ng tingin sa'yo. "Ah, pumayag na pala siya. Pero paano? Sino ba kasi 'yung crush mo na liligawan mo?"

"Oo, pumayag na siya..." Nilagay mo ang mga kamay ko sa mga balikat mo, at nilagay mo naman ang mga kamay mo sa bewang ko. "Isayaw ko." Nakangiti mong sinabi sa'kin. "Diba, ikaw ang kasayaw ko?" Lumapit ka lalo sa'kin at ibinulong mo na, "Will you be my date tonight? I love you... Viancis."

--

Dear Crush,

Crush kita-- dati. Ngayon maninaw na kung bakit ganito kakaiba ang nararamdaman ko sa'yo. Akala ko nasa crush stage lang ako, hindi ko na mamalayan, na nag-evolve na pala ang level ko. Nung araw na nag sabi ka sa'kin ng "I love you" at niligawin mo. Do'n ko lang na realize ang lahat, na mutual pala ang feelings natin, hindi lang pala ako ang naloloka, kasi ikaw din ay naloloko sa kakaisip sa'kin. Fair na fair na diba? Hindi ko napahihirapan ang sarili ko. I love you too, Joshua.

--

"Joshua naman eh, 'wag mo na basahin 'yan! Nakakahiya eh, akin na."

"Ano naman ang nakakahiya, Viancis? Love naman kita eh. I love you. Smile naman d'yan!"

"Pasalamat ka, boyfriend na kita kaya ngingiti ako."

"Sa ngiti ng girlfriend ko, lalo akong na-iin love. I love you, Viancis."

"I love you too, Joshua."

-The End-

***

THIS STORY IS WORK OF FICTION. THANK YOU FOR READING!

Please don't leave without any comment below.

-SomebodyWillLoveMyStories

Dear Crush, Crush KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon