Dear Crush, Crush Kita

Start from the beginning
                                    

--

"Viancis, isang smile naman d'yan oh! Umagang-umaga nakasimangot ka d'yan," Sabi mo sa'kin, hindi ko na naiwasang hindi ngumiti sa'yo. "Nice smile, good morning nga pala." At umupo sa tabi ko.

"Good morning din sa'yo, Velasco." Nahihiyang nakangiti kong sinabi sa'yo.

"Naku naman, araw-araw tayong nagkikita, araw-araw kitang kinakausap, at araw-araw tayong magkatabi, ta's Velasco pa tawag mo sa'kin? Ang formal mo naman. Joshua na lang." Pabiro mong sinabi sa'kin.

"Ayoko, mas sanay ako na surname ang tawag ko sa'yo."

"Ang sungit mo talaga,"

--

Dear Crush,

Ilang Linggo na ang mga nakalipas, simula ng maging seatmate kita. Lagi mo na lang ako kinakausap, minsan na lang din kitang tarayan, dahil nauunahan ako ng kilig ko. Epal lang! Ewan ko ba sa sarili ko, simula ng maging seatmate kita feeling ko, isa ka na sa mga rason kung bakit panay ang mga ngiti ko bawat araw. Ni ayoko na nga um-absent sa school eh. Lalo na rin akong sinisipag mag-aral. Salamat sa'yo.

--

"Viancis, wala akong kasabay maglunch. Meron ka bang kasabay?" Sabi mo sa'kin.

"Wala rin eh," Tipid kong sagot sa'yo.

"Sabay na lang tayo?" Paanyaya mo sa'kin.

Hindi ako nakasagot agad.

"Ah, sige 'wag na lang," Aalis ka na sana, kaya lang...

"Oo, sasabay ako sa'yo Joshua. . ." Pagpayag ko. "Wala rin kasi akong kasabay."

"Sure! Ano ba ang gusto mong kainin? Libre ko na." Masayang sinabi mo sa'kin.

--

Dear Crush,

Aamin ko, ang saya ko kasi naging magkaibigan na tayo, ni hindi na ako nakakaramdam ng awkwardness sa'yo. Lagi na rin kita sa tinatawag sa pangalan mo, hindi ko na nga rin magawa kang tarayan eh. Marami na rin akong alam tungkol sa'yo, lagi na rin kitang kakulitan. Ang saya ko talaga. Oo na! Inaamin ko na-- kinikilig ako!

--

"Joshua, bakit meron ba akong dumi sa mukha?" Tanong ko sa'yo, kanina ka pa kasi kita nahuhuling tingin ng tingin sa'kin.

Dahan-dahan mong hinawi ang nakatabing na buhok sa mukha ko.

"Wala naman, nagagandahan lang kasi ako sa'yo. Ngiti naman d'yan." Nakangiti mong sinabi sa'kin.

Sa mga sinabi mo, hindi ko tuloy hindi maiwasang mapangiti.

"May bubulong ako sa'yo," Lumapit ka naman sa'kin para ibulong ang sasabihin mo. "You are the most beautiful girl, when you smile."

--

Dear Crush,

Pakiuasap lang, huwag mo nga akong tignan ng ganyan. Nakakatunaw ang iyong tingin, promise! Natuwa ako nung sinabi mong maganda ako, lalo na 'pag nakangiti. Okay, lagi na talaga ako ngi-ngiti. Promise 'yan! At inaamin ko na, na lalo kita nagiging crush. Sana crush mo rin ako, para mutual ang feelings natin. Okay ang corny ko.

--

"Viancis, meron na akong crush. Sa tingin mo, may crush rin kaya siya sa'kin?" Puno ng pangiisip mong sinabi sa'kin.

Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot sa'yo. Bigla na lang ako nakaramdam ng lungkot, na ang bigat sa pakiramdam, to the point na masakit pala.

"Uy, Viancis." Pagpaparamdam mo sa presensya mo sa'kin.

Dear Crush, Crush KitaWhere stories live. Discover now