The dream but not a dream

Start from the beginning
                                    

Sinundan ko lang siya....... gusto ko din malaman kung ano ang nangyari sa kanya noon. Bumaba na siya ng hagdan, masaya siya. Paglabas niya ng bahay, may naghihintay na tricycle. Bumaba yung sakay nito. Ngumiti yun sa kanya. Kinuha yung bag na dala niya at sumakay na sila ng tricycle.

Sumama siya sa lalaki, mukhang magtatanan nga sila. Mukhang tama nga yung sinabi nung matandang nagpatira sa akin dito.

Biglang huminto yung tricycle sa may kakahuyan.

"TARA!" Aya ng lalaki sa kanya.

''SAAN TAYO PUPUNTA?" Tanong niya pagkababa ng tricycle, "AKALA KO BA SA BAYAN?, SABI MO, AALIS NA TAYO DITO, LALAYO Na TAYO?"

Hindi siya sinagot ng lalaki, sa halip, tinakpan ng panyo ang bibig at ilong nya. At agad siyang nakatulog. Yung driver ng tricycle, kasabwat din pala. Dinala siya sa gitna ng kakahuyan..... naghihintay dun yung iba, mga nakasuot ng puting damit.

Magkakasabwat sila!....

Inilagay siya sa gitna nila, pagkatapos nagsuot ng puting damit yung dalawang nagdala sa kanya. Bumilog sila at lumuhod....... at saka nagdasal ng ibang lengwahe. Nagising na din siya, at nakita niya ang ginagawa ng mga kasama niya sa kanya.

Pero hindi siya natakot,parang alam na niya ang gustong gawin sa kanya ng mga iyon.

"HINDI KAYO MAGTATAGUMPAY SA BINABALAK NYO!......... HINDI NYO MABUBUKSAN ANG PINTUAN........." Sigaw niya sa mga yun........ pero patuloy lang sila sa pagdarasal.

Lumuhod din siya at nagdasal na para bang kinukontra ang dasal ng mga kasama nito. At pagkatapos ay sabay-sabay na tumayo ang lahat palapit sa kanya........... may hawak silang patalim........ Ang bawat isa ay nag-unday ng saksak sa kanya na para bang walang nadidinig....

''SAKLOLO!..........'' Sigaw niya ng pauli-ulit........ pero walang ni isa man lang na tumulong.

Nakatakas siya, kahit na maraming natamong saksak....pinilit niyang makabalik sa attic. Duguan na siya.....at halos gumapang na......... Hindi siya sinundan ng mga kaibigan niya nagpatuloy lang ang mga iyon sa pagdarasal......

Hindi niya iniinda ang natamong mga sugat.......nagpatuloy din siya sa pagdarasal, gumagapang, kumapit siya sa Dama de Noche na nakatanim s buong paligid ng bahay. Inikot niya ang buong bahay habang dinidilig niya ang kanyang sariling dugo ang mga bulaklak ng Dama de Noche.

At pagkatapos ay umakyat pa siya sa attic. Wala man lang tao nung araw na yun, wala ni isa ang tumulong sa kanya. Gumapang siyang paakyat. Nauubusan na siya ng dugo, nagkalat ang dugo mula sa ibaba hanggang sa attic.

Pagdating sa attic, ipinatak niya sa sahig ang dugo niya naghugis siya ng patatsulok....... lumuhod siya gitna ng tatsulok at saka nagpatuloy sa pagdarasal.....

Tinapos niya doon ang kanyang buhay.....

Maya-maya pa, dumating dun ang mga kaibigan nya. Nakasuot  pa rin ng puitng damit; gabi na pala, binalot na ng dilim ang buong paligid. Pinalibutan uli siya ng mga yun at nagdasal ulit. Hanggang sa kumulog at kumidlat ang langit. Hinatak nilang pababa ang bangkay nya.

Umaagos pa rin ang dugo sa mga sugat niya kahit na wala na siyang buhay. Dinala siya sa kakahuyan kung saan siya unang dinala. Ipinatong ang bangkay niya sa parang altar na kahoy na sadyang ginawa nila. Bumubuhos na ang malakas na ulan. Pero hindi sila tumitigil.

ITO ANG ALAY NAMIN SA IYO KAPALIT NG PAGBUBUKAS NG PINTUAN NG WALANG HANGGANG KAPANGYARIHAN !........... NAIS NAMIN NG BUHAY NA WALANG HANGGAN!......... Sigaw ng isang lalaki.

Biglang kumidlat ng malakas.... at tinamaan nang kidlat ang katawan niya na siyang naging dahilan ng pagkatupok nito. Paulit-ulit na pagkidlat hanggang sa siya ay tuluyang maging abo. Isang tinig ng lalaki na may taglay na kapangyarihan ang bumaba mula sa pinanggalingan ng kidlat.

HINDI SIYA ANG ALAY NA KAILANGAN UPANG MAIBIGAY KO ANG INYONG KAHILINGAN; ANG KAPANGYARAHIN NG BABAENG ITO AY NAIPASA NA NYA SA IBA..... HANAPIN NINYO SIYA AT IBIGAY SA AKIN...........

At pagkatos nun ay nawala na ang ulan, ang kidlat, at ang kulog na para bang nagdahilan lang.  Maging ang boses na kanilang tinawag ay nawala na rin. Laking pagkadismaya ng grupo sa narinig.

KUNG GANUN BIGYAN MO KAMI NG KAPANGYARIHAN UPANG HANAPIN SIYA!..... Sigaw ng isa na para bang hindi pa nakontento.

At biglang gumuhit ang kidlat mula sa langit at tinupok silang lahat. At mula sa kanilang abo, nakita ko ang mga espiritu nila na bumabangong isa-isa. Tumayo silang lahat at nakitang wala na ang katawang lupa nila. At nakita kong nakatingin sa akin yung isa sa kanila na matalim ang pagkakatingin. Kinilabutan ako....at tumakbo pabalik sa attic.

Nagising akong humihingal, pawis na pawis, at yung mga mata ko basang-basang mga luha. Nanlalambot ako na halos naubos ang aking lakas.  Nakita kong nasa gitna ako ng nakaguhit na patatsulok. Lalong nanginig ang kalamnan ko.

DUGO?!..........

KANINONG DUGO ITO?.......

Tiningnan ko ang sarili ko, wala naman akong sugat. At Nagpakita sa harapan ko yung babae kanina na siya ring laging nagpapakita sa akin.

TUTULUNGAN KITA.......WAG KANG MATATAKOT........

''AH!........................................'' Napasigaw ako.

Ako pala.

Dun ko lang naisip.

Ako ba?!

Ang siyang kapalit nya?!

HINDI!....................

THE ATTIC (completed)Where stories live. Discover now