Magkaklase sila at parehong first year college. First anniversary nila nang yayain niya si Luis na sumama sa bahay nila. Mag-isa lang siyang nakatira doon dahil nasa Canada na nakabase ang mga magulang nito. Masaya silang nanonood ng romance na palabas habang magkayakap na nakaupo sa kulay puti na sofa. Nasa dibdib ni Luis ang ulo niya habang hawak-hawak naman ng lalaki ang maliit niyang braso.

Tumingala siya sa nobyong nakatuon ang mga mata sa malaking screen sa harapan nila. Nang mapansin nitong nakatingin ang nobya sa kanya, agad niya itong ginawaran ng halik sa labi. Halik na hindi na naputol at nagtuloy-tuloy na.

"Sigurado ka ba rito sa gagawin natin, baby?" ani Luis nang pansamantala niyang itinigil ang paghahalik kay Sophia.

Tumango lang ang dalaga habang nakangiti. Mahal niya si Luis. Para sa kanya, si Luis na ang lalaki na gusto niyang pag-alayan ng kanyang kabuuan.

Muling hinalikan ni Luis ang dalaga. Bumaba ang halik na iyon sa makinis at maputing leeg ni Sophia. Nagsimula ng maglakbay ang mga kamay ni Luis sa balingkinitang katawan ng kasintahan.

Isa-isa niyang tinanggal ang damit ng dalaga. Nang tumambad na sa kanya ang malulusog na dibdib ni Sophia, buong ingat niyang hinawakan ang kaliwa habang nilalaro naman ng kanyang dila ang isa pa. Walang patid ang ungol ni Sophia sa kakaibang kuryente na unti-unting bumabalot sa kanya.

Nakaupo siya sa kandungan ni Luis nang nakaharap. Napapahigpit ang hawak nito sa ulo ng binata sa bawat paghimas ni Luis sa kanyang dibdib. Bumaba sa harapan ng suot niyang pantalon ang mga kamay ni Luis. Tinanggal niya ang botones saka dahan-dahan ang ginawang pagpasok ng kamay nito sa namamasa na niyang hiyas.

"Ahh!" ungol niya ng maramdaman ang mainit na mga daliri ng lalaki habang nilalaro ang kanya. Napapasabunot ito sa buhok ng lalaki.

Nang ipasok ni Luis ang isang daliri nito, mas humigpit pa ang pagyakap niya sa binata. Virgin pa siya kaya masakit kahit pa daliri lang iyon. Nang magsimula ng ilabas-masok ni Luis ang daliri nito, mas lalo pang lumakas ang ungol ng dalaga.

"Luis! Ah! Ah!"

Ramdam niyang basang-basa na siya. Ipinasok naman ni Luis ang isa pa niyang daliri na mas nagpayanig sa kabuuan ni Sophia. Pakiramdam niya may kung ano'ng lalabas sa kanya anumang oras.

"Sabihin mo lang kung masakit baby, okay?" ani Luis na mas binilisan pa ang palabas-pasok ng mga diliri nito kay Sophia.

"Aray!" sabay hawak ni Sophia sa ulo niya. Lumingon siya sa likuran at nakita niyang nakatayo roon si Cecilia.

"Ang ganda ng salubong mo sa akin. Batok agad. Wala bang welcome party riyan," nakangusong saad nito sa kaibigan.

"Ito na ang susi mo. Kinuha ko kay Manang Lanie, kanina pagkatapos niyang punuin ng pagkain itong refrigerator mo," ani Cecilia na nakasunod sa kanya.

Pumunta siya ng kusina at uminom ng tubig. Nauhaw doon sa bitin niyang pag-alala sa masasayang araw nila ng dating nobyo.

"Salamat." Sabay kuha ng susi sa daliri ng kaibigan na nakatayo sa pintuan ng kusina nila.

"Your welcome." Sagot naman ni Cecilia. Sinundan lang niya ng tingin ang dalaga habang maingat itong naglalakad patungo sa sala. "Pupunta ang tropa niya sa gallery natin. Hindi ko lang alam kung pupunta rin siya," aniya na nagpatigil sa paglalakad ng dalaga.

Lumingon ito sa kanya na nakatayo pa rin sa pintuan ng kusina.

"Kailangan ko siyang harapin habang kaya ko pa, Cecilia." Nakangiti nitong sagot.

***

Malalim na ang gabi at nagsiuwian na rin ang mga bisita ni Franco. Iilan na lang ang naiwang bisita ng kanyang kapatid. Habang ang mga kaibigan naman nito ay pinag-uusapan na ang tungkol sa pagbabalik ni Sophia.

"Paano mo siya haharapin, Luis? Hindi puwedeng mag-iiwasan na lang kayo. There's a big possibility na magkikita kayo. Maliit lang ang mundo man," ani Luigi saka nilagyan ng alak ang kanyang baso. Naroon pa rin sila nakaupong lahat sa sofa.

"Alam ko. Pero hinding-hindi ko siya pupuntahan. Siya itong nang-iwan sa akin nang walang paalam. Kaya siya dapat ang maghanap kung nasaan ako." Madilim ang mukha na sagot nito.

"Sigurado ka ba na ikaw ng binalikan niya rito? Masyado kang assuming, Luis," sabat naman ni Hector.

"Sabi ko sa 'yo, huwag kang magsasalita ng hindi ko magugustuhan dahil kung magsasalita ka---"

"Pupugutan kita ng ulo!" Magkasabay na sagot ng mga nito sa kanya. Naging expression na niya ang "pupugutan ng ulo" Umiiling na lang it na muling nagsalin sa kanyang baso na agad din niyang inubos.

Let's see kung ano'ng dahilan ng pagbabalik mo baby.

Itutuloy____

Naks! Akoy mangangahas sa ganitong genre. Sana mabigyan ko ito ng hustisya!

Linggo-linggo lang po ang update ko nito. Sana suportahan niyo. Salamat!

Love... Love...

iamdreamer28

ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤




Bachelor Series 1: Luis Alcantara (✔)Where stories live. Discover now