-----22nd string-----

Start from the beginning
                                        

“Joke lang.” Sabi nya habang nakangiti. Lalong naningkit ang singkit nyang mata at bahagyang lumabas ang dimple nya. EHH, ang gwapo din ni Jeero ngayon e. :”>

“And so for our 18th and final rose...” Shocks. Sino kaya ang last dance ko... Hindi kaya... Hindi kaya si Zeke? Eto na siguro yun. Aaminin nya na, na joke lang lahat. Na ginawa nya lang yun para isurprise ako. Tapos yayayain nya na ko magpakasal. JOKE! HAHAHAHAHAHA

“Leeanne Faye, here is your last dance...” – ate Cams.

Zeke... Please

Zeke... Zeke... Zeke

ZEKE!

“tito Luis...”

Tapos nagpalakpakan ang mga tao.

WAH, isasayaw ako ni amang! :D hindi ko inaasahan to. Ayaw nya kasi sa mga gantong bagay e.

“WIEEE amang! Buti napapayag nila kayo na isayaw ako?”

“I had no choice.” Pabirong sabi nya.

“Amang naman e, sa inyo talaga nagmana is kuya Liam.”

“Neng..” nagulat ako nang biglang nagseryoso si amang.

“Po?”

“Alam kong medyo nalulungkot ka pa ngayon. Pero okay lang yan. Bata ka pa at marami pang lalaki ang dadating sa buhay mo. Marami pa namang iba dyan.” Pagkasabi nya nun, tumingin sya kay Ivan. Si Ivan naman, ngiting-ngiti samin. Ano kaya yun? O.o

“AHAHAHA oo nga po. Bahala na si Papa God.”

“Basta tandaan mo lang, neng. Nasa tamang edad ka na. Alam mo na kung ano ang tama at mali. Ayokong mapapagaya ka sa iba dyan na hindi nakakapagtapos ng pag-aaral dahil sa huli, ikaw ang mahihirapan.”

“Amang naman, seryoso much? HAHAHA”

“At anak, pakatatandaan mo na kapag may lalaking nanakit sayo, huwag kang mahihiyang umiyak sa amin ng inang mo. Ayaw naming nakikita kang nahihirapan. Kapag nakikita ka naming tinatago mo sa amin yung nararamdaman mo, pati kami nahihirapan. Kaya kapag nasasaktan ka, sabihin mo lang, at yayakapin kita.”

“Amang naman e.” sabi ko habang nangingilid na yung luha ko.

“Tandaan mo anak, mahal na mahal ka namin ng inang mo. Wala kaming ibang gusto para sa iyo kundi kasaganaan at kaligayahan. Kaya kung sakaling may manakit pa sayo, babarilin ko na.”

“Eh ang mean nyo!”

“I love you, anak.”

“I love you too, amang!” sabi ko tapos niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit.

“UHHHHHHHHHHHHHH” sabi ng mga tao.

“Okay mga kaibigan, nagkakaiyakan na po tayo dito. Ang sweet nila ano po?” – ate Cams

.................................

Pagkatapos ng 18 roses, pinakain na nila ako sa wakas ng dinner. At habang nalamon naman ako, nagpresent ang ilan sa mga guests ko.

Yung mga college friends ko, nagsayaw ng gentleman. Yung mga pinsan ko, ayun, nag-ala Barden Bellas, pitch perfect ang peg. Kinanta at sinayaw lang naman nila ang final song dun. Talentadong-talentado talaga sila no. Gusto ko nga sana sumali since alam ko naman yung mga kanta at steps dun kaso, wala e, di ako pwede kumanta. Baka magmukhang back-up singers lang sila. CHAROT. HAHAHAHAHA >:)) Wag kayong umangal, birthday ko ngayon.

Yung mga boys naman ng RJ Gang, nagperform din. Hindi ko nga inaasahan yun e. At alam nyo ba kung anong ginawa nila? nagGimme-gimme lang naman. At syempre, kilig na kilig ang mga bruha ng Rj Gang. Yung mga college friends ko nakikitili din. Pati nga mga pinsan ko e. Okay, sila na ang malakas ang dating, lalo na sa mga itsura nila ngayon. OH WELL, aaminin ko na. Kenekeleg den eke. HAHAHA :D

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now