Pero dahil bababa na naman ako ng hagdan, operation side steps na naman ang drama ko. Sinubo ko na ang natitirang sky flakes na hawak ko at humawak sa hawakan ng hagdan. Ihahakbang ko na sana pababa ang kanang paa ko nang...
Namatay ang ilaw sa buong paligid.
SHEEP! Anong nangyayari!? Bakit? Bakit ang dilim wala kong makita? Bakit pinatay ang lahat ng ilaw? Bakit.. Bakit...
AH ALAM KO NA. Siguro may CCTV dito sina Vano. Siguro nadetect nila na balak kong kumain kaya pinatay nila ang ilaw.. Tapos may darating na pulis at huhulihin ako... SHET! SAYANG ANG DRESS!
“Vanooooooooooo! SORRY NA! Di naman ako kakain e! Titingnan ko lang naman kung anu-anong klaseng ulam ang nakahain! Tsaka titikman ko lang! Pramis! Hindi ko uubu...”
I was a quick wit boy, diving to deep for coin...
NP: Flightless Bird, American Mouth
Teka.. Favorite song ko yun ah.. Ano na bang nangyayari? Wala pa rin akong makita! Sobrang dilim ng paligid e!
All of your street light eyes
Wide on my plastic toys
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Pero sa tuwing naririnig ko tong kantang to, gumagaan yung pakiramdam ko. Pag naririnig ko tong kantang to, namamayapa ang utak ko. Gustong-gusto kong ninanamnam ang kantang to.
Then when the cops closed the fair
I cut my long baby hair
Kaya naman sa halip na ituloy ang pagbaba sa hagdan papunta sa garden, umupo na lang ako dun at pumikit.
“Stole me a dog-eared map
And called for you everywhere”
So ayun, sinabayan ko na lang ang kanta.
“Have I found you... Flightle...” napatigil ako sa pagkanta nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Shet. Nandito na yung pulis. Sa presinto pa yata ako magbibirthday. :((
“Mamang pulis, sorry na. Wag mo na ko hulihin. Hindi ko pa naman nababawasan yung pagkain e. Tsaka promise hindi ako nagtrespass, ininvite ako sa party na to no. Birthday ko pa ngayon so please...”
Have I found you?
Flightless bird, jealous, weeping
Or lost you?
American mouth
Big pill looming
Hindi umimik si mamang pulis. Sa halip, itinayo nya ako at inaakay na pababa ng hagdan. Infairness kay mamang pulis ah, gentleman.
Now I'm a fat house cat
Nursing my sore blunt tongue
“Mamang pulis, san ba tayo pupunta? Tsaka pwede bang pakibuksan yung ilaw? Wala akong makita e baka madapa ako.”
“shhhhhhhhhhhhh.” Sagot nya tapos hinigpitan ang kapit sa kamay ko.
Teka... parang si...
“VANO?”
Watching the warm poison rats
Curl through the wide fence cracks
Hindi sya umimik. Pero I swear, si Vano to. Kahit “shh” lang yung sinabi nya, alam ko si Vano to.
YES! Hindi ako sa presinto magbibirthday!
Pissing on magazine photos
Those fishing lures thrown in the cold and clean
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----22nd string-----
Start from the beginning
