Salamat

0 0 0
                                        

Ang tagal bago ako nakasimulang gawin ang tulang ito.
Hindi dahil sa nahihirapan akong kumatha bagkus di ko mapigilan ang aking luha.
Nag uumapaw ang nararamdaman ng puso kong ito para sa inyo.
Sa pasasalamat at pagmamahal mula sa puso ko ang nagnanais makawala.

Paano ko sasabihing mahal ko kayong lahat?
Paano ko maipadarama ang pagpapasalamat sa lahat lahat?
Paano ko maipapakita ang ligayang naidudulot nyo?
Sa panahong malakas at naging mahina ako?

Sa puso ko ay isang libot isang tuwa ang nakalaan para sa inyong lahat.
Hindi ko man kayo makakasama na, isa lang ang sigaw ko, Maraming Maraming salamat.
Kayo ang isa sa mga inspirasyon ko, isa sa mga pinag huhugutan ko ng lakas.
Tanging taos pusong pasasalamat ang aking maaaring mabigkas.

Sa mga nagdaang oras at panahon na tayo ay magkakasama
Maaaring minsan sakit at tampo ay ating nadama.
Maaaring minsan tayo ay nagtataka o nasisiphayo kaya.
Ngunit batid kong ang lahat ng iyon ay naging panandalian at pansamantala.

Sa huli pag aalaala at pagmamahal maiiwan sa isa't isa sa atin.
Hindi ko man kayo ngayon ay kapiling.
Sa puso at diwa ko kayong lahat ay mananatiling
Isa sa mga yaman ko sa mundo na aking iingatan at pagyayamanin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SalamatStories to obsess over. Discover now