"Making a million friends is not a miracle. The miracle is to make a friend who will stand by you when millions are against you. "
[ARABELLA PINEDA]
"Oy Ara tingnan mo oh may nag aaway dun," sabi ni Marisse sabay nguso sa direksyon ng isang babae at isang lalaking nagtatalo.
Nandito kami sa labas ng school campus naghihintay ng jeep pauwi.
"LQ lang yata yan e. Hayaan mo na," sabi ko.
Pero kahit ganun ang sinabi ko kay Marisse hindi ko pa din maiwasang palihim na sumulyap sa kinaroroonan ng dalawa. Hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan nila. Medyo malayo kasi sila sa amin.
"Antagal naman ng jeep," reklamo ni Marisse.
"Kahit kailan talaga napaka mareklamo mo," saway ko naman sa kanya.
"Antagal na kaya nating naghihintay dito."
Oo nga, mahigit isang oras na din kaming naghihintay dito pero hanggang ngayon nandito pa din kami. Ewan ko ba kung bakit walang dumadaan na jeep ngayon.
Napasulyap ulit ako sa kinaroroonan ng dalawang nagtatalo kanina. Kung kanina nagtatalo lang sila, ngayon nakita kong sapilitang hinihila ng lalaki ang babae papunta sa sasakyan. Pero pumipiglas ang babae. Ayaw nitong sumama sa lalaki.
Agad kong tinakbo ang kinaroroonan ng dalawa.
"Hoy Ara san ka pupunta?" narinig kong sigaw ni Marisse pero di ko pinansin.
Ang nasa isip ko ngayon ay kailangan kong tulungan ang babae na kumawala sa lalaking yun.
"Hoy! Bitawan mo siya!" sigaw ko sa lalaki nang malapit-lapit na ko sa kanila.
Napatingin sa direksyon ko ang lalaki. Ganun din ang babae. Gulat silang pareho.
"Bitawan mo siya!" ulit ko.
"Bakit sino ka ba?!" bakas sa mukha ng lalaki ang pagkainis. Siguro dahil alam niyang hindi na siya magtatagumpay na isama ang babae sa kung saan man niya binabalak dalhin.
Nakaramdam ako ng inis nang di niya sinunod ang sinabi kong bitawan ang babae. Lumapit ako sa kanya at tinuhod ko ang bayag niya. Dahilan yun para mabitawan niya ang babae. Namimilipit siya sa sobrang sakit. Agad ko namang hinila ang babae palayo sa kanya.
"Salamat ha," sabi ng babae nang makalayo na kami. "Kung di ka dumating baka naisama na ko ng hayop na yun."
"Walang anuman," medyo hinihingal kong sabi.
Oo, hiningal talaga ako. Malayo-layo din ang tinakbo namin kasi.
"Sino ba yun?" maang kong tanong sa kanya.
"Ex ko. Salamat talaga. Ako nga pala si Dessa. Odessa Foster," pakilala niya sabay abot ng isang kamay para makipagkamay.
"Ara. Arabella Pineda," nakipagkamay ako sa kanya.
"Di mo ako nainform, superhero ka na pala ngayon," si Marisse mula sa likuran namin.
Muntik na kong mapasigaw sa gulat. Basta-basta nalang sumusulpot na parang kabote. Siguro kung may sakit ako sa puso inatake na ako dahil sa panggugulat ng babaeng to.
"Di mo ako nainform andyan ka pala. Nanggugulat ka e," ganti ko sa kanya na kunwari naiinis.
Hindi pala kunwari dahil naiinis ako sa ginawa niya!
"Sorry naman."
"Siya nga pala, Marisse si Dessa. Dessa si Marisse," pakilala ko sa kanila sa isa't isa.
Nagkamay naman silang dalawa at nag ngitian.
"Sige Dessa mauuna na kami," paalam ko kay Dessa.
Anong oras na di pa din kami nakakauwi. Siguradong nag aalala na si Mama sa bahay.
"Pano naman tayo mauuna e wala pa ngang dumadaang jeep. Meron kanina kaya lang nagpakasuperhero ka kaya di tayo nakasakay," si Marisse.
Bahagya kong siniko si Marisse. Nakalimutan ba niyang kasama namin si Dessa ngayon? Di ko alam kung sinadya niyang sabihin yun para makonsensya si Dessa dahil ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nandito pa din kami sa labas ng school o hindi lang talaga siya nag iisip.
"Hatid ko na kayo," alok samin si Dessa. "Para naman makabawi ako sa pagtulong mo sakin Ara."
Aarte pa ba kami e kanina pa kami nag aabang dito. Buti nalang may sasakyan tong si Dessa kaya sa wakas makakauwi na din kami.
ESTÁS LEYENDO
NO OTHER PRINCESS
De TodoIsang matalik na kaibigan ang natagpuan ko sa katauhan ni Odessa Foster. Halos kapatid na ang turing ko sa kanya kasi wala naman akong kapatid. Ngunit isang katotohanan ang nakapagpabago sa maganda naming samahan. Isang katotohanang hinding-hindi ni...
