Paraiso.
Sa bawat paghaplos ng hangin sa aking mukha at pagkaway ng mga puno sa ugong nito, tila ako'y nakakulong sa isang magandang paraisong ngayon ko lang napuntahan.
Pagkatapos ng lahat, lahat ng mga pagsubok at mga pangyayaring hindi sumang-ayon sa amin, narito akong tinatanaw ang kahali-halinang mga tanawing nababakuran ng makukulay na mga bulaklak. Mga daisies. Kulay lila at kahel ang nangingibabaw sa mga damong parang mga diyamanteng kumikinang na kulay berde.
Tanging aking talaarawan na punong-puno ng iba't-ibang guhit na aking nilika sa paraisong ito ang saksi rito. Makikita ang mga ibong hindi mapaghiwalay at lumilipad nang mapayapa. Mga paru-parong dumadapo sa mga paborito kong daisies at mga mala-porselanang gangsang nagsisipag-languyan sa ilog.
"Luna!"
Lihim akong napangiti sa malalim na sigaw mula sa aking likuran. Tila nagsisiawit ang mga ibon at ang buong kalikasan ay humihiyaw sa tuwing naririnig ko ang kanyang tono. Nakakakilig talaga.
"Calum."
Ako'y pumihit patalikod upang masilayan ko ang pinakamagandang lalaking tanging inalayan ng aking mga mata. Ilong na parang inukit sa bato at mga ngiting pinagpala ng mapuputing mga ngipin at labing puputok na, na parang bulkan. At ang pinaka-kinahumalingan ko sa lahat ang kanyang mga tengang parang sa daga.
Patakbo akong pumunta sa kinaroroonan niya na halos hindi ko na ininda ang mga bato sa damuhan at ang malakas na hanging sumasalubong sa akin. Tila pilit na kumakawala ng aking puso mula sa aking dibdib sa mga segundong lumilipas.
Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito. Walang pagdududa.
Eto na ba iyon? Iyong panahong nakalaan para sa amin? Para sa aming kaligayahan at walang hanggang pagmamahalan? Marahil, ito na nga.
Nagsalubong ang aming mga katawan nang aking naramdaman ang mga yakap na matagal ko nang hinihintay. Mga yakap na alam kong babaunin ko hanggang sa aking kamatayan.
Kamatayan. Walang Hanggan.
Nagdikit ang aming mga noo at tumitig sa kanya-kanyang matang tila nangungusap.
"Mahal na mahal kita, Luna."
"Calum, mahal na mahal din kita."
Ngiti.
Ang pagsilay ng bagay na iyan sa aming mga mukha ay tanda na natapos na. Sa lahat lahat ng mga masalimuot na pangyayari na dumating sa aming mga paanan, hinarap ng hawak-kamay, hangga't dumating sa araw na ito na, natapos na.
"Ano yan?" Pagtatanong ko sa kanya nang makita ang kanyang hawak.
"Ito?" Isinuot niya ang mala-koronang bulaklak sa aking ulo. Puno ito ng daisies at may puting laso sa lukiran nito na tila diwata ang kung sino man ang magsusuot nito.
"Ang ganda talaga ng Luna ko." Namula ako sa sinambit niya. Nakakainis talaga 'tong lalaking ito. Napakabolero.
"Halika. May pupuntahan tayo." Pagtataka ang bumalot sa akin.
"Saan naman?"
"Malalaman mo din."
Mahigpit niyang hawak ang aking kamay habang ako'y kanyang hila-hila patungo kung saan man.
Saan kaya ako dadalhin nito?
Makalipas ang ilang minuto, narito kami ngayon sa isang napakalaking puno. Sa laki nito pwede ka nang magtayo ng isang bahay. Sa pag-iikot rito, napansin kong puno ito ng mga bulaklak na siyang nagbibigay buhay rito. Ano bang puno ito? Mangga?
YOU ARE READING
The Rival Heirs
Romance"I had loved you with all of me! But in the end I was fooled!" Sigaw ko. "No.. I was.. Uhm.. I'm sorry. I love you." Balik niya habang nakatungo at nakaluhod. Patuloy pa rin ang buhos ng malakas na ulan at kahit malakas iyon ay kitang kita ko pa rin...
