As a fan of JaDine, hindi mo maiiwasan na masaktan pag may mga chismis tungkol sa kanila, o kaya naman may mga taong lumalait sa kanila.
Na banlag daw si James,
(Banlag? Eh? Di ako nainform, kasi pag tinititigan ko mata niya gandang ganda talaga ako.kasi ang light ng pagka brown ng mata niya)
mapanga daw si Nadine,
(kasalanan ba niyang maging mapanga? Simula pa bata siya binigay na sa kanya yun ng diyos. Di niya ginusto)
Alien daw si James kasi di daw siya magaling sa tagalog, (kasalanan ba niyang sa Australia siya pinanganak at lumaki kaya di niya kayang mag tagalog ng staight)
Maitim daw si Nadine at feel na feel ang pag papaputi niya.
(ano naman kung magpaputi siya, bakit siya lang ba ang taong gustong pumuti kahit morena siya? Hindi naman diba.Pag di nag paputi lalaitin kasi ang itim, pag nag paputi lalaitin kasi di daw makuntento sa kulay)
Bakit kelangan nating mang lait ng iba lalo na pag hate mo sila ? Diba? Eh hindi ka rin naman perpekto.
May iba nga makalait eh mas panget naman sila.
Sino ka para husgahan ang itsura nila, bakit kilala mo ba sila?
Close ba kayo? Nakilala mo na ba buong pag katao nila?
Naging kayo na ba sila?
As a Fan, di niyo ba nararamdaman na nasasaktan din sila?
Nag tatrabaho lang sila,hindi rin nila ginusto na nandoon sila.
Kung di ka fan ng JaDine, sabihin na nating Fan ka ng iba gaya ng KathNiel, LizQuen, AlDub o kung sino sino pang Love team.
Nakakatuwa ba kung laitin din nila ang idol mo?
Sabihan ng kung ano ano,kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman sila ganun?
Make sense mga fans, hindi nila ginustong maging Fans nila kayo,at mas lalong hindi nila gustong maging bashers nila ang kung sino man.
Nasasaktan din sila, tao din naman sila gaya natin.
Kumakain ng mga pagkaing kinakain natin
Umiinom ng tubig at nasasaktan sa kung anong sabihin natin.
Bago ka manghusga,tingnan mo muna ang sarili mo kung perpekto ka, at tignan mo rin kung masasaktan mo sila. 〒_〒
YOU ARE READING
As A Fan
RandomThis story is to show, my feelings about my idol's bashers, haters and rumors about them. Gusto ko ipakita kung gaano ko sila ka mahal kahit hindi sila perpektong tao.Gusto ko lang ipakita kung bakit ko sila nagustuhan. Para sa mga bashers at haters...
