Habang naiwan si savanna sa harap ng salamin. Saglit syang umikot sa harap nito. Maganda naman ang pagkakagawa nya sa buhok nya na kinulot nya ng konti at sa mukha nya na nilapatan ng kaunting make-up.

"Maganda naman diba baby? "

Nagkibit balikat na lamang sya at sumulyap muli sa salamin bago lumabas. Tinahak nya ang daan papuntang parking lot kung saan nandoon si Paul.

Napangiti sya ng makita doon ang binata. Nakasandal ito sa kotse at parang nagsasalita magisa. Nangunot ang noo nya sa nakita. Lumapit pa sya ng kaunti para marinig ang sinasabe nito.

"You're gorgeous. No! Pretty? Oh darn! Amh. How about.."

"Paul? "

"You're sexy! "

Saglit na tumahimik ang buong paligid. Halos paghinga lamang nilang dalawa ang naririnig. May gitla sa mukha ni Savanna na unti unting napaltan ng pamumula ng pisngi.

"A-ano? " nahihiyang tanong ni Savanna. Hindi nya alam kung anong irereact o sasabihin sa binata.

Nakatingin lamang si Paul sa asawa. Pati sya ay nagitla sa sinabe  nya. Ang totoo ay hindi nya talaga alam ang sasabihin sa asawa. Nasa isip nya na baka magalit ito kung hindi nya ito ico-compliment man lang, kaya hinanda nya ang sasabihin dito pero sakto namang yung salitang iyon pa ang nabitawan nya.

"I mean. You look beautiful in that dress. Happy? " Agad na sya pumasok sa kotse. Napahampas sya sa noo ng muling magreplay sa utak ang sinabe nya.

You're sexy. Sexy as hell, savanna..  He cursed. Ano bang nangyayare sa kanya? Ano nga ba , Paul?

Sumunod na rin si savanna sa loob ng kotse. Walang umimik sa kanilang dalawa hanggang sa makarating sa isang OB gyn clinic sa macau.

Agad nilang tinahak ang papasok sa  loob. Sinalubong sila ng isang lalaki. Gwapo ito at kulay blonde ang buhok. Idagdag pa ang kulay blue nitong mata. Hindi maiwasan ni savanna na hindi humanga sa lalaki.

"Good morning! "masiglang bati nito sa kanilang dalawa.

Umasim ang mukha ni Paul sa nakita. Saglit syang napasulyap kay savanna at nakatingin din ito sa lalaki.

"Please have a sit. "

The Lust Marriage (Published by BOOKWARE)Where stories live. Discover now