"I can feel it. "

"P-paul. "

Agad nyang binitawan ang dalaga at tumalikod dito. "Go on. I'll wait you h-here. "  agad nyang pinahidan ang luha.

Isang malungkot na tinig ang narinig ni Savanna sa asawa. Nagkibit balikat  na lamang sya at agad na pumasok sa kwarto. Nagitla pa sya ng makita ang mukha sa salamin. Isang malawak na ngiti ang sumalubong sa kanya. Ang mata nya ay puno ng liwanag at isang impit na tawa ang nabitawan nya ng makita ang pamumula ng pisngi nya.

*

"Why am I crying? " 

Napatingin si Paul sa pintuan kung saan pumasok ang dalaga. "Is  there something wrong with me? Shit. " agad nyang pinunasan ang luha at agad na napangiti.

"I think I'am going insane. " 

Tinungo nya ang kusina dala dala ang pinagkainan ni savanna. Tinapon nya ang natirang mangga at ang iba ay nilagay muna sa ref. Hindi nya maiwasang hindi mapasipol habang hinuhugasan ang mga plato. Bakit sya ganito? Hindi na ata nya alam ang ginagawa nya.

"P-paul. "

Tapos na syang maghugas ng may tumawag sa kanyang likod. Nanlaki ang mata nya ng makita ang dalaga  sa  harap nya.

Suot suot nito ang kulay itim na hinaluan ng kulay puting burda. Halata na medyo maumbok na tiyan nito. Ang buhok nito ay medyo kulot sa baba at isama pa ang magandang ngiti ng dalaga.

"A-ayos na ba? " nahihiyang tanong si savanna.

Agad syang napatingin sa legs nito. Makinis at maputi. Hindi nya akalain  na kanya lahat ito. Napailing sya. Halos pawisan sya sa naiisip na maaring gawin dito.

This girl is killing me..Softly.

"That will do. "

Agad nyang tinalikuran ang dalaga at naunang lumabas. Agad nyang sinaraduhan ang pinto at dun nilabas ang init na nararamdaman. Isang malakas na buntong hininga ang nailabas nya habang iniinda ang kakaibang sensasyon na nararamdaman sa buong katawan.

"Oh fck it. "  napahampas sya sa hangin at agad na tinungo ang parking lot.

The Lust Marriage (Published by BOOKWARE)Where stories live. Discover now