I Can see them; I can her them; but who are they?

Začít od začátku
                                    

HUMANDA KA!.... IKAW NA NAPILI!....... SUSUNOD KA NA!..........

Sabay-sabay nilang sabi sa akin. Pero hindi ko maintindihan.  ''sino ba kayo at ano ba ang gusto nyo sa akin?... ano bang kailangan nyo!.......'' Sigaw ko sa kanila.

At bigla na lang nagpakita sa akin yung magandang babaeng may mahabang buhok. Tumayo siya sa harapan ko at mukhang haharapin yung mga grupo ng nakaputi.

SA AKIN SYA!...........

Sabi nito sa kanila.

Iniwan ko na sila. At muli tumakbo akong palayo. ayokong makigulo sa away ng mga yun.

Bigla akong napahinto ng mapansin ko yung malaking telang puti na  nakatalukbong sa isang tao at naglalakad ito palayo sa akin.

''sino ka?'' Tanong ko, pero hindi nya ako pinapansin.

Sinundan ko siya para tanggalin ang telang yun at makilala kung sino siya. Ang ugali ko kasi habang natatakot ako mas gusto  kong alamin ang kinakatakutan ko. Hinablot ko ang tela.

At bumulaga sa akin na walang taong gumagamit nito. Hindi ko magawang sumigaw. Napaupo na lang ako na akap ang tela.

Pinilit kong sumigaw, kailangan kong ilabas ang boses ko upang may makarinig sken. Hindi na kasi ako makagalaw.

sino ba kayo? at ano ang kailangan nyo sken?!..................

Pinilit kong isigaw yun.

Naramdaman kong may yumuyugyog sa katawan ko.

Si Dianne.

''Ginagambala ka na naman ba nila?''

Hindi ko na magawang sumagot, tumulo na lang ang luha ko. Inalalayan niya ako palabas upang makauwi na.

Hanggang pag-uwi, halos tulala pa rin ako.

''Ate, gusto mo bang sumaglit sa lolo ko?..... seryoso na yan... wag mong balewalain...'' Tumango lang akong lumuluha.

Nagtungo kami sa lolo nya. Ayoko na rin maranasan pa ang mga yun. Ayoko man maniwala pero nararnasan ko. Paano ko ipaliliwanag sa sarili kong ang hindi ko pinaniniwalaan dati, nangyayari sken, pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

Narating namin ang bahay ng lolo niya. ''Tata  Rado!.......'' sigaw ni Dianne, kahit nasa labas pa lang kami ng bahay. Mula sa labas, maririnig mo na ang malakas na sound na kanta pa ng Journey. Kinatok ni Dianne ang pinto ng malakas. Hindi madidinig sa loob kung ganun kalakas ang sound.

Palibhasa kasi malalayo ang kapitbahay dito sa probinsya, walang magaglit sa'yo kahit na magpatugtog pa ng sobrang lakas.

''Pasensya na ganyan talaga sya e,''

Tumango lang ako,ramdam ko na  lumalamig ang buong paligid..... 

Wala akong dalang jacket, kaya tumatagos sa  damit ko ang lamig.

Biglang huminto ang malaks na sound sa loob ng bahay.

''Hay, salamat.... narinig din tayo''

At binuksan na ang pinto mula sa loob. Nagulat ako nang makita kong yung nabangga kong matanda sa bayan ang lolo pala ni Dianne..... Ito na ba ang usong albularyo ngayon? Kunsabagay, hindi naman siguro masamang sumabay sa uso. Japorms talaga siyang pumorma.

 ''anong kailangan mo?'' Tanong matanda.

Tiningnan ko si Dianne, pero hindi siya kumikibo. Parang gusto niyang ako ang sumagot at kumausap sa lolo niya. Bakit kaya bigla siyang nagkaganun?

THE ATTIC (completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat