Chapter 6 - "Contest Jitters"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bobo agad? Pero wala ba kayong napapansin kay commander?", muling tanong ni Rider na tumabi kay Hunter sa sofa. Nagtaka naman ang dalawa at parang napaisip na din.

"Mmm, meron.", sagot naman ni Deceiver na umupo sa tabi ni Rider kaya napatingin ang dalawa sa kanya. Nakatingin pa ito sa kisame at nakahawak sa baba tsaka muling nagsalita.

"Parang.......... ang gwapo niya ngayon... ARAY!", napahawak si Deceiver sa braso niya nang suntukin siya ni Rider.

"Gago ka pare, nababakla ka ba kay Commander?" - Rider

"Alam mo yung joke pre? Saket ha!", sagot ni Deceiver na hinihimas pa din ang braso na sinuntok ni Rider.

"Pero seryoso nga, madalas may mga nakakaaway tao na hindi naten alam kung baket di ba?" - Hunter.

"Oo nga noh? Ngayon ko lang naisip yun ah." - Rider na napakamot pa sa ulo.

"Bobo ka kasi pre."- Deceiver.

"Bakla ka naman."- Rider

"Magtigil nga kayo, malalaman din naten yu----- Hahahaha! Di ba pre nakita mo yung galising aso na umihi sa gulong ng motor ni Rider kanina? Hahahaha!", pagbabago bigla ng topic ni Hunter nang pumasok muli si Commander at derederetsong pumunta sa kusina para kumuha ng beer.

"Aray!", sigaw ni Hunter nang suntukin din siya ni Rider habang nasa kusina pa si Commander.

"Bakit si Tyler pa naisipan mong paihian sa aso? Rantado ka rin e noh!", Tyler po ang name ng motor ni Rider at mahal na mahal niya to kaya ayaw niyang ginagawang kalokohan.

"Sorry naman! Nataranta lang.", paliwanag naman ni Hunter.

Yuri's POV.....

Thursday Morning....

"HALA KA!!! Anubayan! Anong ginawa mo sa boses mo bruha ka!", ang aga-aga pumuputak nanaman tong Hasmin na to. HELLO! 5am palang!

"Eh kung inaalagaan mo nalang kaya ako!", pasalamat siya hindi ako makasigaw ngayon.

UWAAAAHHHH! UWAAAAHHH! Huhuhuhu! Ang sarap umiyak! Ang laking katangahan naman kase ng ginawa ko nung isang gabi! Baket ba ko nagpaulan? Huhuhuhuhu! Opo, may trangkaso pa din ako hanggang ngayon at sobrang paos pa ko. Halos wala nang lumalabas na boses saken. Ang mas nakakalungkot pa dun, FOUR DAYS nalang, contest na. TT_____TT

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon