Part 2

10.4K 301 12
                                    


"CUT! JASMINE, ano sa palagay mo ang ginagawa mo? Walang kabuhay-buhay ang pag-arte mo. Isang masarap na pagkain ang ini-endorse mo, hindi memorial plan. Dante, ikaw naman. Padre de familia ang papel mo, hindi lovestruck teenager. Act your part, people! Come on, one more time!"

Nilapitan ni Juyi ang model para sa naturang commercial na sino-shoot niya nang araw na iyon. Kasalukuyan itong may kausap sa cellphone habang hindi malaman ng make-up artist nito kung paano nito ire-retouch ang make-up dahil galaw ito ng galaw.

"Christine, bakit nandito ka pa? We're about to have a take."

Pero patuloy lamang ito sa pakikipag-usap sa cellphone. "Talaga? How sweet of you talaga, baby. Basta yung promise mong Tiffany earrings ko, ha? Gusto ko 'yung pinakamahal ang bibilhin mo. Hayaan mo muna ang asawa mong losyang diyan. Mas mahal mo naman ako kesa sa kanya, di ba—"

Napikon na si Juyi kaya inagaw na niya rito ang cellphone nito at ini-off iyon. Agad lumukot ang magandang mukha ni Christine nang balingan siya.

"Ano ba? Bakit ka ba nakikialam?"

"Ipinaalala ko lang sa iyo na nasa shooting ka at wala sa bahay. Ayokong nadi-delay ang trabaho nang dahil lang sa isang tao."

"Ayoko rin na pinakikialaman ang mga phonecalls ko."

"Fine." Ibinalik niya rito ang cellphone nito saka tinalikuran ito. "Puwede mo na ring iligpit ang mga gamit mo at umuwi. Hindi ko kailangan ng mga tamad na tao."

"Wait! Y-you can't kick me out."

"I can. Lalo na kung nadi-delay ang trabaho ko nang dahil sa iyo."

"Hand-picked ako ng agency ninyo para lang sa project na 'to. You can't just do whatever you want. Baka ikaw ang ipatalsik ko sa commercial na ito."

"Ganon ba?" Kinuha uli ni Juyi ang cellphone nito at pinindot ang numero ng kanyang kliyente. "Your actress wants to talk to you about kicking me out of this project."

Ibinigay niya ang cellphone sa namumutla ng modelo. Pero imbes na sagutin ay ini-off lang nito iyon saka bumalik sa kinauupuan at tahimik na nagpa-retouch sandali sa make-up artist bago padabog na nagtungo sa set.

"You never fail to amaze me, Juyi Mei."

It was Hyde, country's premier actor and the most in-demand male model. Ilang beses na rin itong nakatrabaho ni Juyi sa mga commercial na ginagawa niya at wala siyang masabi sa professionalism nito. 

Kung sana ay kasing professional lang nito ang lahat ng artista at modelong nakakatrabaho ko. 

"Sorry to keep you waiting, Hyde. Nag-iinarte na naman ang ka-partner mo sa commercial na ito, eh."

"Gusto mong ako na lang ang kumausap sa kanya?"

"Nah. Ako na ang bahala sa isang iyan. Kahit hindi matawaran ang kaartehan ni Christine, once we dragged her to the set, she's alright. Hintayin na lang natin sandali na lumamig ang ulo niya at nang makapag-umpisa na ulet tayo sa shooting."

"Okay. Palamig ka muna kung ganon, Direk." Iniabot iniabot sa kanya ni Hyde ang isang bottled watter.

"Thanks." Tinanggap niya iyon at nagbalik na itong muli sa set habang hinihintay si Christine. 

Juyi  never liked men in general. Para sa kanya ay mga naglalakad na ego lang ang mga ito na walang ginawa kundi ang magpapogi at ayaw ng natatapakan.

Tiningnan niya ang hawak na bottled water at sinundan ng tingin si Hyde na naghahanda na sa eksena nito para sa naturang commercial. Marahil sa lahat ng taong naroroon nang mga sandaling iyon, si Hyde lang ang tanging hindi nagpapainit ng ulo niya. Nakaligtas ba ito sa matinding iritasyon niya sa mga kalahi ni Adan? Hindi. Pero wala naman itong ipinapakita na ikinaiirita niya kaya walang dahilan para pakitaan niya ito ng hindi maganda. Gayunman, kailangan pa rin niyang maging maingat kay Hyde. Pagdating sa mga lalaki, wala siyang dapat na pagkatiwalaan. Kahit gaano pa sila ka-perpekto sa panlabas na kaanyuan.

Loving AlucardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon