"Po? Eh..sige po." Alanganing sagot ni Via, tumango lang si Patrick.

"Hala tara na muna sa kusina at mag tanghalian tayo, Pag ka kain kung gusto nyong mag swimming may pool sa likod, may mga swim wears sa changing room malapit sa pool, Bryan tawagin mo na si Brandon at ang pamangkin mo, kakain na tayo." Anitong tumayo na at kinambatan silang sumunod.

Parang iisang taong nag si sunod sila kay mama Ellie pa pasok sa kusina, simpleng- simple ang kusina ng mga ito, lahat yari sa kahoy ang mga mesa at silya pati na ang open kitchen at kitchen counter, salamin naman ang dingding at mula doon ay tanaw nila ang garden at malaking swimming pool.

Maraming naka hain sa mesa, inihaw na bangus, kinilaw na petchay na may kamatis , manga at bagoong, may adobong baboy at halabos na hipon at inihaw na talong. Simpleng mga pagkain probinsya rin.

Nang pumasok sina Brandon at Gelo ay mag katabi ang mga itong na upo at ang binata na rin ang nag asekaso sa bata, magana silang nag si kain at masayang nag kwentohan na animoy matagal na silang mag kaka kilala.

Pag ka kain ay nag aya si Gelong maligo sa pool, kaya nag swimming silang lahat, nang mapagod sila mag swimming ay naiwan pa rin sa pool sina Emman, Via at Gelo, inaya naman silang mag kapatid ng kambal na mag laro ng billiards sa play room ng mga ito, ang mama naman ng mga binata ay pansamantalang umalis pero nag bilin na babalik rin bago mag hapunan kasama ng asawa.

Uminom sila ng beer habang nag bibiliards, Masaya naman palang ka bonding ang kambal, kung tutuusin ay mas na huli nya ang loob ni Brandon kesa kay Bryan, medyo ma dilim na ng matapos silang mag laro, pag labas nila sa pool area ay wala na ang tatlo.

Inaya sya ni Brandon na tulungan itong buhatin ang BBQ grill galing sa bodega at dalhin malapit sa pool area, Si Patrick at si Bryan naman ay ihahanda daw ang mga iihawin, ng mapag isa sila ni Brandon ay nagulat sya ng kausapin sya nito tungkol kay Emmanuelle, sinabihan syang huwag na huwag syang mag kakamaling saktan ang dalaga at mag kakabangga sila.

Na unawaan nya ang ibig nitong sabihin kaya na ngako syang hindi nya sasaktan ang kasintahan. Matapos nilang mag usap ay saka lang nila inilipat ang BBQ grill. Ayon dito ay galing australia pa, Ganon daw kasi sa Australia hindi kompleto ang pag titipon kung walang BBQ.

Mainit na ang grill at na isalang na ang unang batch ng iihawin ng lumabas si Emmanuelle, karga ang halatang bagong gising na si Gelo at kasunod si Via.

"Hi guys, ambango, anong niluluto nyo, pa tikim nga." Bungad nito.

"Ayan ka nanaman, wala kang ka patience - patience mag hintay, umupo ka na lang muna sa tabi ng boyfriend mo at kanina ka pa miss na miss nyan." Naka ngising sagot ni Brandon. Napa nguso ang dalaga at naka simangot ma umupo sa tabi nya.

Na tatawang inakbayan nya ito at dinampian ng halik sa labi.

"Gosh get a room guys!" Nag tatawang bungad ni Bryan na ipinatong ang salad bowl sa mesa. Kasunod ang naka ngising si Patrick na may bitbit na bucket ng beer.

"Pa dating na sina mama & papa, sakto ma luluto na yan, kumain muna tayo at siguradong gu gutumin kayo pag nag umpisa ng mag videoke sina mama at Emman, kaya love na love ni mama yan eh mag kasundo ang dalawa." Dagdag pa ni Bryan. Na tawa silang lahat.

"Bakit di ba kayo kumakanta?" Tanong ni Via.

"Naku po kung Ayaw nyong kumulog at kumindat wag nyong pakantahin si Brandon.

"Gago! Ikaw itong sintunado manang- mana ka kay papa." Nag tatawang sabi ni Brandon

"Anong na rinig kong mana sakin?" Bungad ng isang may edad na lalaki na gwapo pa rin at maganda pa ang tindig.

Unexpectedly ExpectedWhere stories live. Discover now