Patawad

8 0 0
                                        

Kung mabibigyan lamang ako ng pagkakataon na mahalin kang muli, wala ng oras ng buhay mo ang masasayang ng di natin maipaparamdam ang pagmamahal natin sa isa't isa. Walang segundo ang lilipas na mawawala ako sayo. Kung may pagkakataon lamang sana tayo, gugustuhin ko magsimula tayo sa paraang babago pa lamang tayo nagkakilala. Mga bagay na itatama natin mula sa kahapon. Nais ko sana na wag mo na maramdaman ang sakit na naibigay ko dulot ng pagkukulang ko sa sarili ko. Pagkukulang sa sarili na hinahanap ko upang mabuo ako. Paghahanap sa sarili ko na ni minsan sa paglalakbay ko sa paghahanap ng sarili ko ay akay ko pa rin ang kamay mo na syang sumama sakin sa pagtahak ng pagsubok na dumaan sa atin. Nais ko sanang maglakad muli kasama mo na hawak mo ang kamay ko ngunit sa panahong iyon ay wala ng bibitaw sa atin. Sapagkat tayo ay natuto na at nabuo na. Sa paglipas ng panahon na di kita nakasama, hindi lumipas ang nararamdaman ko na nung una pa lamang ay nadama. Kung mabibigyan sana tayo ng muli pang pagkakataon, siguro yun ay ang panahon na muli tayong pagtatagpuin ng Panginoon.

PatawadStories to obsess over. Discover now