Zeal Shindrake Yllan Vhineharrt

5.1K 127 13
                                        


Cause you had a bad day

You're taking one down

You sing a sad song just to turn it around

You say you don't know

You tell me don't lie

You work at a smile and you go for a ride

You had a bad day

The camera don't lie

You're coming back down a you really don't mind

You had a bad day

You had a bad day

Pinatay ko kaagad ang alarm clock ko. OU, alarm ko 'yun. Pampagana sa umaga, pra talagang may gana kang pumasok, yan kasi trip ko dati pa. Pero imbis na bumangon na ako, dun muna ako sa kama at nakatitig lang sa kisame. Nakakatamad pang pumasok, bakit ba naman kasi kelangan pang mag-aral eh!

Alas otso pa naman ang pasok ko tapos ang lapit pa ng swelahan namin, sa katunayan, walking distance lang, pero dahil ayoko pagpawisan sa umaga humingi ako kina Mom at Dad ng sasakyan, at binilhan din naman ako---ng motor. Ang sweet nila noh? (Sarcasm on!) Pero sa totoo naman eh, mahal naman talaga nila ako, ang gwapo ko kaya :D

5:30 AM pa lang, pero gising nako, nakasanayan na kasi na tutulungan ko si Mama na maghanda ng breakfast namin, kasi ayaw ni Mom na kumuha ng katulong, baka daw kasi imbis na trabaho ang inaatupag, eh si Dad ang aatupagin, baka daw ma-hypnotize sa kagwapuhan ni Dad, ayy naku!!! Bakit ba? Si Dad lang ba ang lalake dito? Para namang hindi nag-eexist ang kagwapuhan ko sa mundong to >.<

"Dong! bumaba ka na jan." pagpuputol ni Mom sa pagpapantasya ko sa sarili ko.

"Opo Manang!" nilakasan ko konti yung boses ko, panghiganti lang naman sa pagtawag nya ng DONG saken.

"Ansabe mo?!" haha! Narinig nya :D

"Wala po Mom! Sabi ko anjan na po." Ang sarap kasi kakulitan nitong Mama ko, bata isip eh kahit ulyanin nah haha!

Typical breakfast lang naman ang niluto at hinanda namin, sunny side-up, loaf, hotdog, fried rice at syempre yung paborito kong Hot Choco na si Mom lang talaga ang marunong magtimpla na nakaka-ayon sa taste ko. Tsaka ayaw kasi ni Mom na magkape kami, baka daw kasi maging nerbyoso pag tumanda na, ang arte talaga ng isang to.

6:05 AM na kami natapos ni Mom maghanda ng breakfast at bumaba narin si Dad galing sa room nila, bihis na, handa nang pumunta trabaho, which is, nagma-manage ng isang maliit na business kasama ang kapartner nya na si uncle Lloyd, yung kakambal nya.

"Morning Mahal." Bati ng Mom ko k ay Dad

"Morning din Mahal ko." At dun naghalikan nanaman sila sa harapan ko, CORRUPTING MY INNOCENT MIND!!! Dejuklang, marunong din naman akong humalik muhehehehehe! Humanda sila saken pag makakadala ako ng GF ko dito sa bahay, lalaplapin ko sa harap nila. *evil laugh*

At yun na nga, nagsimula na kaming kumain. Ou nga pala, hindi pa ako nakakapagpakilala sa inyo, pero bago ako, yung parents ko muna.

Yung Mom ko, si Sheena Yllana del Rio Vhineharrt, strikta pero mabait, maganda rin naman sya, syempre nanay ko na kaya yan. Sabi saken ng Dad ko, dati Princess yung tawag nya kay Mom pero ngaun laos na daw yung Princess dahil Queen na daw nya ito. Sus, banat ng magaling kong Ama.

Yung Dad ko naman, si Lord Vhindrake Russel Vhineharrt, gwapo, nagmana saken eh, medyo pasaway lalo na kapag kami lang dalawa ang magkasama kasi palagi nya akong nirereto sa mga dalagang nakikilala namin. Pero linsyak na mundo, kahit ako yung nirereto dun naman sa kanya nakatitig yung mga babae. Mabuti nalang talaga at faithful sya kay Mom dahil kung hindi, matagal nang nakikipaglandian tong isang to sa mga babaeng nakikilala nya.

The Vampire's SonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt